50

347 10 2
                                        

"Bakit ba ako sumama? Bakit?!"











Nag rereklamo ako sa tapat ng salamin habang nag lalagay ng makeup. Nakabihis ako ng white halter dress at may dala dalang malaking hand bag.












Lumipas nga ang mga araw ng matiwasay hanggang sa nag message sa akin si Olive na sumama nga sa reunion ng batch namin. Ayaw ko talagang sumama pero magaling siyang mamilit at ngayon pinagsisihan ko na!












"Ano ka ba! Okay lang yan! For sure naman, hindi pupunta si Ethan dahil may lipad yon kahapon pa. Bukas pa ang dating!" pampalubag loob niya sa akin.











Hindi lang naman yon ang dahilan ko kung bakit ayaw kong pumunta. Wala pa akong tulog! Hindi ko nga alam kung paano pa nag pa function ang mga organs ko. Mamamatay na ata ako sa sobrang dami kong trabaho. Nangangalay na nga ang bibig ko kakangiti at paganda sa harap ng camera.

















Pagkarating namin doon sa venue, kinantyawan kaagad kami ng mga kaklase namin noon. Sayang nga lang daw at wala si Yara.









"Si Kisses, grabe sobrang ganda pa din." Tuwang tuwang sabi nung isa naming kaklase. "Sexy mo!"












"Thank you," awkward na sabi ko dahil hindi ko naman siya naging close.












Nasa kabilang table naman ang ibang ka batch namin. Naging abala rin sila sa pagkekwentuhan habang tahimik lang akong nag ce-cellphone dahil gusto ko ng matulog.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon