This chapter is still recovering.
It will come back soon.
Thank you!
Kinakabahan ako habang inaayusan nang glam team ko para sa araw na ito. I just can't believe that this day will come.
Im getting married!!!!
Goshhh!!!
And today is the day!!!
I will be officially MRS. PANGILINAN!
Garden wedding ang napili namin ni Donny. Sabi niya sakin simple lang yung gagawing arrangement pero sa natatanaw ko mula sa bintana ng room ko ay hindi. Sobrang ganda ng arrangement nun. Hindi mo maiisip na two months preparation lang ang lahat dahil maging sa reception area ay binonggahan din.
Ilang oras nalang matatali na ako sa taong nanakit at minahal ko ng sobra. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Excited na rin ba siya kagaya ko? O nakatingin din ba siya sa bintana katulad ko?
Naagaw ang atensyon ko ng biglang mayroon kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nakangiting pumasok si Kaius at Mavi na may dala dalang box papalapit sakin. Ang pogi nila sa suot nilang white long sleeve at black pants.
"Pinabibigay ni Donny." Saad ni Mavi bago bumeso sa akin.
"Eto rin, oh..." Sabi naman ni Kaius pagka abot niya sakin ng isang maliit na envelop.
Yung envelop agad ang una kong binuksan dahil amoy na amoy ko dun ang pabango niya and then I smiled after I saw his penmanship. Hindi ko pa nababasa kinikilig na ako.
Mrs. Pangilinan ready ka na ba?
Pagka basa ko palang ng mga salitang yun naiyak na ako. Grabe! Ang daming pag subok. Sa sobrang dami hindi ko na naisip na darating pa kami sa araw na to.
Mrs. Pangilinan ready ka na ba?
This is it! After one decades of waiting, alam kong darating ang time na ito... Na makikita kita na naka wedding gown at mag lalakad papalapit sa akin. Exited ka na ba? Kasi ako? Sobra!
Pero bago ang lahat, gusto kong mag pasalamat sa pamamagitan nang regalong ito.
Salamat mahal ko, sa pagiging matatag, matapang at patuloy sa paghakbang hanggang sa makarating tayo sa araw na ito.
Mahal, gusto kong aminin sayo na mahina ako. Nanghihina din ako. Kaya naman salamat, dahil nandiyan ka para maging lakas at pahinga ko.
Love, simula sa araw na ito... Gusto kong malaman mo na, at the end of our life I am forever grateful and thankful na ikaw yung binigay ni Lord sa akin.
I love you endlessly, Kirsten.
P. S: Hindi ito high heels.
Love,
Your Groom.
Hindi ko mapigilang humikbi sa nabasa ko. Pero yung luhang tumutulo sa mga mata ko ay agad din namang nawala nang buksan ko ang regalong inihanda niya sa akin. Parang tanga talaga ang isang yon! May pa P.S, P.S pa siya! Isang Prada heels ang laman nang regalo niya! Hindi raw high heels pero yun nga ang laman!
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...