44

323 10 1
                                        

"Yun oh! Akala ko hindi ka makakapunta e!"














Napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong tinalunan ni Olive at umakbay. I removed her arm and gave her my gift.














"Happy birthday! Eighteen ka na, pwede ka na mag asawa." I  joked at her. "Pwede ng pakasalan ni Archiemedes, yieeee!"














"Tangina mo talaga!" maikling sabi niya, tumitingin pa sa paligid. "Napaka ingay mo! Secret nga lang yon diba?"















Olive assist me on my designated table. Marami siyang bisita at mukhang buong village ata ang ininvite niya. Narito rin ang iba naming mga pinsan kaya hindi ako nabored habang nag hihintay mag start ang party niya. Halatang pinaglaanan ng pera ang debut niya dahil sobrang bongga. Ang dami pa nilang coordinators na hinire kaya maganda ang flow ng party niya.














"Bro, ang ganda nung nag sasalita." napalingon ako kay Red nang mag salita siya. Busy kasi akong nag lalaro sa phone. "Gagi mukha siyang angel." sabi niya pa.














I look at the stage. May babae nga roon na may hawak na kandila at nag memessage para kay Olive. Maganda nga yung babae. Maputi, chinita, tapos parang napaka prim and proper niyang tignan.













"Ang ganda diba? Diba! Diba!" pinaghahampas pa ni Red ang braso ko.














"Ingay mo naman, nakakapikon ka." sabi ko pagkatayo ko dahil sunod na ang mga kasama sa 18 roses. Pinapila na kami ng isang coordinator sa gilid at inabutan ako ng isang stem ng rose.














I quietly waiting for my turn when I saw the girl again. Tumatawa siya habang nakikipag-usap sa katabi niya. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko mapaliwag na dahilan. Maganda nga siya at mas maganda siya pag nakangiti. Sino kaya siya?














"Crush mo? Crush mo no?" sinimulan nanaman ako ni Red nang mahuli niya akong nakatingin roon sa babae.














"Gusto mong dumugo bibig mo?" I threatening him. Napatakip tuloy siya ng bibig niya. Napaka ingay kasi! Hindi ko na tuloy natanong kay Olive kung sino yung girl dahil aasarin lang ako ng mga pinsan ko.















Lumipas ang mga araw pero hindi siya nawala sa isip ko. There's something on that girl that I couldn't explain. Was is it love? 










When I was on third year, I saw the girl again at Olive house. Ayoko sanang pumunta dahil nakakatamad mag drive mula Pampangga to Manila, pero hindi kasi ako titigilan ng pinsan ko hanggat hindi ko nabibigay ang pasalubong ni Daddy sa kaniya. Pasalamat siya mabait ako at pasalamat siya nandito yung babae. Almost one year na rin noong huli ko siyang nakita. Mas gumanda siya ngayon pero bakit parang malungkot ang mga mata niya?

















"Walang chocolate?" bungad sa akin ni Olive pagkapasok ko sa back door ng kitchen nila. May kasama siyang dalawang babae sa kusina at nagluluto sila roon.
















DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon