"Ang ganda."
Nakatingin ako sa ibaba at nakangiting pinapanuod ang mga ulap na nilaglagpasan namin.
"Sobra. Yang mga ulap na yan ang dahilan kung bakit na inlove ako sa pag pipiloto."
Papunta kami sa Boracay at swerte namang si Tito Tim ang naging piloto. Sabi ni Tito Tim, dito sa air line na ito sila nagkakilala ng mommy ni Elijah kaya masaya siya ngayon na nakapagpalipad ulit siya dito. International air line na kasi si tito at nirequest lang niya na mag palipad ngayon.
"Alam mo ba? First time kong makasakay ng eroplano." nakita ko ang mukha ni Elijah ng ibunyag ko yon. "Ang OA mo magulat."
"Di nga? Bakit?"
"Hindi naman kami nag babakasyon e. Busy ang parents ko palagi." I gave him a smile. Nahihiya ako sakaniya dahil wala akong masayang pamilya gaya ng kaniya. Tinignan niya ako ng matagal bago niya halikan ang noo ko.
"Dont worry, nandito na kami nila Dad para ilibot ka sa buong mundo!" sabi niya. At alam kong sinasabi niya yon para pagaanin ang nararamdaman ko.
Wala pa atang thirty minutes ng makarating kami sa Caticlan. I looked at Elijah and he winked at me. Im just happy dahil siya pa ang kasama kong sumakay ng eroplano at si Tito Tim pa ang nagpalipad non. Hanggang sa makalabas kami sa airport pakiramdam ko nakalutang ako. Nagtagal kami ng kaunti dahil may inasikaso siya bago kami sumakay sa isang SUV. Saka lang nag sink in sakin na nasa Boracay na kami nang sumakay kami ng speed boat. Pagkababa sa speed boat, sinalubong kami ng driver ng isang van mula ata sa isang hotel. Ilang minuto lang ang byahe nang makarating kami doon.
Elijah was holding my hand habang hila hila ng isa niyang kamay ang maletang binili sakin ni Tita Ca. Pagkarating namin sa loob ng hotel, sinalubong kaagad kami ng staff. It was a nice place at halatang luxury!
"Good day, sir!" bati samin nung receptionist. "For reservation po?"
"Elite," he stated while smiling.
Naging abala agad ang babae sa computer niya. Inilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng lugar habang busy si Elijah sa pakikipag usap. 'Fairways' basa ko sa nakita kong pangalan ng hotel. Sobrang ganda dito at halatang mahal ang pag stay dito.
"Love, let's go." lumingon ako sakaniya at nakangiting inaabot ang kamay niya.
Isang malaking suite ang pinasukan namin. Gulat na gulat ako dahil sa laki ng kwartong kinuha niya. Kaming dalawa lang naman ang nandito, bakit kailangan ganito pa kalaki. Pagkapasok palang sa loob ay may lalagyanan agad ng sapatos at may hallway papunta sa kama. Pumasok ako sa isang bathroom at mayroon malaking shower at may bathtub pa.
"Ang laki naman ng kwarto na to. Magkano to?" tanong ko agad pagkalabas ko sa bathroom.
"Sagot ni Dad to. We used to stay here a lot of times." Pag papaliwanag niya.
Kanya kanya kaming ayos ng gamit. Buti nalang at niregaluhan ako ni Tita Ca ng maleta kaya marami akong nadalang damit. Nauna siyang matapos mag ayos ng gamit niya dahil kaunti lang ang dala niya. Isang malaking bag pack nga lang ang dala niya. Sabagay, three days lang naman kami dito. Regalo ito samin ni Tito Tim dahil kakatapos lang ng final exam namin.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...