"Hoy! Anong mukha yan?"
Napangiti ako ng malungkot nang makita si Yara sa tabi ko. She's wearing a long beach dress tapos naka-braid ang mahaba niyang buhok. Gaya niya naka beach dress din ako pero hanggang tuhod ko lang ang haba non.
Naisip kasi nilang mag unwind kaya biglaan ang pag punta namin dito sa Zambales. Kasama namin sila Elijah at ang banda niya dahil ininvite ni Olive.
"Mag tigil ka nga Kisses! Nakakahawa yung mood mo." Sabi ulit ni Yara.
"Oo na ititigil ko na."
Inismiran niya ako pero ngumiti din agad. "Si tito nanaman ba?"
Hindi ako nakapag-salita agad sa sinabi niya dahil hindi ko din alam kung bakit ba down na down ako.
"Ikaw kasi e! Masyado kang masunurin. Sayo na nga nanggaling na wala naman silang pake sayo, e bat ayaw mo pa din gawin ang mga bagay na gusto mo?" Ramdam ko ang inis sa tono niya.
"Hindi ko din alam, e." Malungkot na sabi ko.
Natahimik siya, hanggang sa marinig niya ang mahinang hikbi ko. Wala akong salitang narinig mula sakaniya, hinayaan niya lang akong umiyak sa tabi niya. Ganyan naman si Yara pag alam niyang ganito ang mood ko. Wala siyang ibang gagawin kundi ang samahan ako. Naniniwala kasi siya na pag ang taong umiiyak daw ay kinomfort mas lalong maiiyak.
"Girls, kakain na daw." Agad kong pinunasan ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Elijah.
"Okay ka lang?" Tanong niya agad ng makita ang mukha ko.
"Girls talk lang." Sagot ni Yara sakaniya. "Kisses, una na ako don ha. Sunod na din kayo." Ngumiti ako sakaniya atsaka humarap kay Elijah. Nakatingin pa rin siya sa akin at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Are you okay?" Tanong niya ulit.
"Medyo."
"Pwede ka mag sabe sakin ha? Katulad ni Yara, nandito din ako just in case." He smiled at me and caress my hair.
Hindi na ako nakapag-salita dahil nakita ko nanaman yung mga ngiti niya. Gusto ko din naman mag sabe sakaniya kaso hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Ngumiti nalang muna ako bilang sagot sakaniya.
Sumunod din kami agad sa bahay na nirentahan ni Olive. Beach front ang bahay kaya madali lang kaming nakarating doon. Pagkapasok sa loob, maraming pagkain na ang nakahanda. Biglaan lang ang lakad na ito pero parang pinaghandaan nila. Pagkatapos kumain umupo kaming lahat sa sahig nang nakapaikot. May naisip kasing pakulo sila Olive at Anya. Pinagsulat nila kami ng random questions sa maliit na papel tapos inilagay iyon sa maliit na garapon. Bubunot kami isa-isa doon at sasagutin ang tanong na makukuha namin. Kinakabahan ako pero siguro naman ay hindi kabastusan ang isusulat nila.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...