24

303 10 4
                                    

Nang mapag-isa ay nag post ako nang picture ni Ethan. Kuha ko yon sakaniya sa coffee shop dahil ang cute niya tignan kanina habang nag papababy sakin. Hindi ko na rin ikinagulat nang mag post din siya ng picture ko.





He always like that. Broadcasting me in public. Hindi ko nga alam na gagawin ko din yon. I mean, I was not much into publicity but then, I wanted the world to know how grateful I was to have Ethan in my life.




Ethan makes me happy. Yung happy na parang energy drink ganon! Kahit gabi ang hirap matulog kasi parang apaw yung energy ko, parang hindi ako mapakali. Yung happy na nakaka inspire, yung happy na bawat araw masaya ako kasi lagi siyang nandyan para iparamdam sakin na kamahal mahal ako. Ganito pala pag tinatrato ka ng tama? Ang saya pala ng healthy relationship.




Nag patuloy ako sa pag scroll sa social media. Napatigil lang ako nang makita ang pangalan ni ate Reese. It was her selfie with her passport. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili na iclicked ang pangalan niya para makita ang account niya. Ngayon ko lang naman chineck ang account niya, hindi ko nga rin alam kung bakit at para saan pa. 





Hindi pa ako nakakatagal sa pagtingin ng account niya ay nasasaktan na ako. Halos lahat ng post niya ay family picture... kaso wala ako don. Iniscroll ko pa yon until I saw a picture of her with Hershey. May picture din akong nakita na kasama niya naman si Mommy.





Ang saya saya talaga nila kapag wala ako no? May family picture din naman kami na kasama ako pero bakit hindi niya yon pinost? Bakit ang mga picture lang nawala ako ang ipinost nya? Hindi ko tuloy maiwasan makapag isip ng hindi maganda.





Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. I knew it would hurt me, but I wanted to see how happy they were without me. Kaya nag scroll pa ako nang nag scroll. My hands turned cold when I saw another picture. This time, it was just her and Daddy. Magkayakap sila at nakahalik si Daddy sa ibabaw ng ulo niya. It hurt me. Ama ko din naman siya pero bakit hindi niya magawa sakin ang ganyan?





My heart clenched when I saw a family picture without me again. My tears drop on my screen when I read the caption, "happy family."





Ang sakit sakit ng dibdib ko. Sa sobrang sakit non ay pinagsusuntok ko. Akala ko ayos lang sakin na hindi ako ang paborito nila. Akala ko sanay na ako na hindi ako mahalaga sakanila. Pero kahit anong gawin ko, kahit nakakatanggap na ako ng pagmamahal galing sa iba, ang sakit pa rin.





Pamilya ko sila e, pero bakit? Bakit kailangan kong maramdaman to? Iyak ako ng iyak at paulit ulit kong sinusuntok ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko mula roon.





I looked at the window and saw the moon. Lalo akong naiyak nang maalala si Ethan. Alam kong ayaw niya akong makitang malungkot. So I tried to think of some happy thoughts to ease my pain. But it wasn't enough. Masakit pa rin at paulit ulit kong naaalala ang unfair treatment na naranasan ko. Ang pagiging hindi ko sapat sa pamilyang meron ako.





Sarili kong pamilya ang dapat mag paparamdam sakin nang pag mamahal pero kahit kailan ay hindi ko naranasan yon mula sakanila. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong habang nakatingin sa maliwanag na buwan.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon