19

308 9 1
                                    

"Christmas break na!"






Parang mga nakawala kami sa kulungan pagkalabas namin nang school. Isang buwan nalang din ang kailangan namin sa internship at tapos na kami. Sigurado din naman  na gagraduate kami dahil wala kaming bagsak.



Yung photoshoot naman na ginawa ko naging successful din. Tatawagan ulit ako ni Zia after graduation ko para daw sa training  lalo na sa paglalakad ko. Hindi ako nag reply sakaniya dahil hindi ko naman alam kung itutuloy ko pa ba yon. May parte kasi sakin na natatakot akong sundin ang gusto ko dahil naiisip ko si Daddy. Naiinis din ako dahil kahit alam ko naman na may magagawa ako, e pinipigilan ko pa ang sarili kong gawin ang gusto ko.






"Putangina! Totoo ba tong nakikita ko?" Malakas ang pagkakasabi ni Yara non kaya lahat kami nasa kanya ang atensyon. Nasa mall kasi kami dahil nag aya silang mag dinner bago kami umuwi.




Nakatulala siya sa store nang isang local clothing brand na sikat dito sa Pilipinas. Nanlaki agad ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang tinitignan ni Yara. It was me. May kalakihan ang picture ko na yon tapos may mga ilaw pa sa gilid kaya kitang kita yon.





"Gagi! Model ka na talaga, Kisses!!" Sigaw naman ni Olive at napayakap pa sakin.


Sabay sabay silang tumakbo papunta sa picture ko na yon at kanya kanyang labas ng phone para pictureran. Naiwan tuloy akong mag isa na nakatayo sa gitna ng mall. Walang ibang pumapasok sa isip ko ngayon kundi si Elijah. Kaya nang makabalik ako sa sarili ko, agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya. Ilang beses pa yon nag ring bago niya sagutin.






"Is my baby okay?" Bungad niya agad.





"Elijah... nasa mall ang picture ko." Tuluyan na akong naiyak pagkasabi ko non sakaniya.



It was all a dream before but right now? Eto na. Eto na yung matagal ko ng pinapangarap.




"Im happy for you, love!" I hear him on sweet low tone voice.  "Im so proud of  you love! Sign na yan to continue your dreams."



"Thank you for supporting me all through out. Alam kong hindi to mangyayare kung wala ka." I cried to him.




Umiiyak pa din ako nang sunod kong tawagan si Rico. Kundi rin dahil sakaniya ay hindi ko rin mararanasan to. He congratulate me at sinabi niyang nung isang linggo pa narelease ang commercial picture ko. Kaming dalawa daw ni Shanel ang napili kaya kaming dalawa lang ang may solo picture sa bawat branch ng store. Ibig sabihin kalat na din yon sa lahat ng mall!




"Kisses! Artista ka na!" Umiiyak si Yara nang lumapit sakin. Niyakap niya  ako. Nang makita nila Olive at Anya yon ay lumapit sila sakin at niyakap din  nila ako.





"Let's celebrate your win!" Masayang sabi ni Olive.




Nag celebrate nga kami. Kumain kami sa buffet dahil deserve ko daw kumain nang marami. Olive called Elijah kaya hindi na ako nagulat nang makita ko siyang papasok ng restaurant at may dalang bulaklak. He looks manly on his pilot uniform. Halatang dumiretso na siya dito pagkatapos sa flying school.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon