36

241 10 1
                                    

Panay ang tingin ko sa entrance kada may papasok na tao. Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil wala pa sila Daddy. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nakikipag-picture kasama ang magulang nila. Hindi ko maiwasang maging malungkot dahil ito nanaman yung pakiramdam na mag isa.





I am wearing the yellow dress that Mom bought for me. Suot ko rin yung heels na binili ni Daddy last year. Kay Ate talaga to, kaso hindi niya gusto ang style kaya sakin binigay ni Daddy. Tumingin ako sa phone ko para icheck ang oras. 1:30PM na, may oras pa naman para makarating sila. Baka natraffic lang dahil malayo pa ang pang-gagalingan nila.



"Kisses!" tumingin ako kay Yara ng marinig ang boses niya. Naka suot na din siya ng black robes, may dala rin siyang bouquet at inabot niya yon sakin. "Congrats satin, babe!"




"Congrats satin! Graduate na tayo!" Naiiyak na sabi ko. Nakita kami nila Olive na magkayakap, kaya tumakbo sila samin at nakiyakap na din.




Nag aya silang mag picture sa labas kaya lumabas kami saglit. Wala pa akong picture kahit isa, kaya kinuhaan nila ako. Naka ngiti ako sa harap ng camera habang iniisip ang pamilya ko. Na traffic lang yon kaya wala sila hanggang ngayon.





Nag pipicture-picture kami ng biglang may tumakip sa mga mata ko. Amoy palang ng kamay kilala ko na kung sino.




"Elijah!" suway ko. Agad niyang tinanggal ang kamay sa mukha ko. Niyakap ko siya agad at tuwang tuwa dahil naka suot na rin siya ng black robe. Buti at sabay ang ceremony ng Tourism at Accountancy department kaya magkasama kami.




Lumapit sakin si Tito Tim at Tita Ca, tapos inaya akong makipag picture sakanila. Nasa gitna ako at silang dalawa ang nasa gilid ko. Naka akbay sakin si Tito Tim habang si Tita Ca ay hawak ang kanang kamay ko.




"Yung totoo? Sino ang anak niyo?" pag rarant ni Elijah. "Ako yung anak, pero girlfriend ko ang unang inaya makipag-picture."





"Tumabi ka na sakanila, dami mo pang sinasabi!" Utos sakaniya ni Olive. Lumapit nga siya samin at inakbayan ako. Nasa gitna kaming dalawa. "Nice, what a happy family. Apo nalang kulang,"





"Hoy! Ikaw unang magkaka-anak satin!" Pang-aasar sakaniya ni Elijah. Tumatawa ako habang pinapanuod sila. Nag papicture din si Elijah ng solo bago mag papicture kasama ang parents niya.





Nawala ang ngiti ko ng makitang pinapapasok na lahat ng estudyante sa loob ng convention. Kinakabahan ako at the same time nasasaktan. Pupunta sila diba? Makakahabol sila.




"Wala pa sila?" malungkot akong ngumiti kay Elijah ng itanong niya yon. "Tawagan mo kaya?"


"Wala naman kaming number ng isa't isa." natahimik siya dahil sa sagot ko. Inakbayan niya lang ako at ngumiti sakin. Hindi niya na rin ako nasamahan dahil pinapapila na rin kami. Mag sstart na ang program at iwewelcome na ang mga graduates.





Pinipigilan kong wag umiyak ng makita ang mga kabatch ko na kasama ang magulang nila sa pila. Kumikirot ang puso ko dahil... mag-lalakad nanaman ako ng mag isa.




"It is my pleasure to welcome, the graduates!"




Tuluyan na akong naiyak ng mag start ang program at marinig ang graduation march song. Lahat ng estudyante ay mag lalakad sa aile bago umupo sa upuan. Sumasakit ang puso ko dahil sa pangungulila. Akala ko makakarating sila... akala ko pagbibigyan nila ako. Umasa nanaman ako.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon