47

323 9 3
                                        

"Gumaling lalo sa pagkanta, grabe! Im sure his parents are proud of him."
















Pagkukwento ni Eros habang nag dadrive pauwi. Tahimik lang ako simula ng makalabas kami sa bar. Wasak na nga ang puso ko, lalo pang nadurog ngayong gabi. Kasalanan ko din naman kaya wala akong karapatan mag reklamo. Ito yung consequence ko dahil pinakawalan ko siya.












"Ngayon ko lang sila napanuod pero idol ko na sila. Ang galing, solid manakit!" Tumingin si Rye sa akin at tinanong ang experience ko. "Sarap manood no? Patama sayo lahat ng kanta—"











Tumigil siya sa pagsasalita at malalim akong tinignan. I rolled my eyes to her because of her facial expression. "Anong mukha yan?"












"Bebu... Anong full name ni Elo?" she's now asking her boyfriend.












"Ethan Paolo ata yon? Nalimutan ko pero parang ganon. Mga bata pa kami nung huli kaming nagkita e,"












Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang biglang mag text sa akin si Rye at masama ulit akong tinignan.












Rye: magtutuos tayo mamaya!

kaya pala iyak na iyak ka ha












Hindi ko na siya nireplyan dahil alam ko na ang mangyayare. Makikichismis siya tapos ibabash lang ako. At ayun nga ang nangyare. Pagkarating nga namin sa condo pinauna niya sa unit niya si Eros at dumiretso siya sa unit ko. Pagkabukas ko pa lang ng pinto yun agad ang bungad sa akin.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon