"Calm down, love."
Hinawakan ni Elijah ang nanlalamig kong kamay habang nag mamaneho siya. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya para makarating kami agad sa hospital. Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami.
"Don't be nervous, okay? Just calm down. Im here, okay?" he said when he stopped the car in front of the hospital's lobby. Mag isa akong bumaba dahil kailangan niyang i-drive ang sasakyan niya sa parking lot.
Bumaba ako ng kotse niya at nanghihinang pumasok sa ospital. Ayaw ko ng mga ganitong pangyayare dahil mahina ako pagdating sa ganito. Pumunta ako sa floor na itinext sakin ni Anya, pagkarating ko don sinalubong agad ako ni Olive ng yakap. Tumakbo rin si Anya sakin at niyakap rin ako habang umiiyak. Parang may dumagan sa dibdib ko sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko.
Lalo akong nanghina ng marinig ang pag iyak ni Tita Ysa. She was crying so hard. Kahit na mabigat ang puso ko hindi ko magawang umiyak dahil sa kaba at takot. I know something went wrong at hindi ko alam kung gusto ko bang malaman yon o hindi. Im just so... scared.
"Anong nangyari?" Tanong agad ni Elijah. Hinihingal pa siya at halatang nagmadaling umakyat dito. Sinagot siya ni Olive pero hindi ko narinig yon. Lumapit agad sakin Elijah at marahang hinawakan ang mga balikat ko.
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko and all I heard was Tita Ysa's loud cries. Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak. And for some reason, tumulo na rin ang luha ko kahit wala akong naiintindihan sa nangyayare. Mabagal ang paglakad ko papunta kay Tita Ysa na para bang bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay paatras.
"T-tita, w-what's h-happening?" nanginginig ang boses ko ng sabihin yon. Hindi nakapag-salita si Tita at napaluhod nalang sa harap ko.
I hardly bit my lower lip and tried to wiped my tears. Nang tinignan ko ang kwartong naka bukas, sunod sunod na ang pag-iling ko. Nasa loob non si Yara at nakahiga sa kama. Naglakad ako papalapit sakaniya at halos wala akong maramdaman habang nakikita ko siyang walang malay.
May dalawang nurse sa paligid niya. Ang isa ay nag aayos ng kung ano, habang ang isa naman ay marahan akong pinapalabas. Hindi ko naiintindihan ang nangyayare dahil walang pumapasok sa isip ko. Gulong gulo ako.
"Nurse, a-anong nangyare? B-bakit ganyan siya?" nanginginig ang boses ko.
"Love, wala na. W-wala na si Yara," umiiyak si Elijah ng sabihin niya yon. Tinignan ko siya at napangisi ako dahil hindi ko pa rin maintindihan.
"Anong wala na? Ayan sya, okay siya!"
"Love, she's gone... wala na si Yara,"
The moment he repeat that. My mind was blank. All I see is sadness. The hospital walls are made of straw for walls that once provided me with hope, have become undone. I felt like there was nothing left for me at this room anymore. Ang kaisa-isang taong naiisip kong mananatili sakin habang buhay... iniwan na ako.
"Pinag titripan ba tayo ni Yara?" Tanong ko pa rin kahit alam ko na ang sagot. Tumingin ako sa paligid. I saw Olive, Anya and Tita Ysa. Their faces are telling the truth. Pero hindi pa rin ako naniniwala. Hindi pwede. Hindi pwedeng wala na si Yara.
"Olive? Please, itigil niyo na ni Yara to. Sabihin niyo ng prank to, please!" Pag mamakaawa ko. Pero umiling sa akin si Olive. Paulit ulit siyang umiiling sa akin.
"Iniwan na niya tayo," she cried.
Napapikit ako ng mariin. Sa sobrang sakit ng dibdib ko, hindi ko napigilang sumigaw. Nag tatatalon ako dahil hindi ko tanggap. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
"Nurse! Gawan niyo ng paraan to," lumapit ako sa isang nurse at hinawakan ang kamay niya. Pero nag sorry lang ito sakin tapos umalis na sa harap ko. Lumapit ako kay Yara at hinawakan ang kamay niya. Mainit pa ang mga palad niya kaya ginalaw ko siya, umaasa na baka pupwede pa.
"Yara, gising please? Please... paano ako? Diba alam mo namang hindi ko kaya mag isa?! Hindi ko kaya to, Yara!" paghagulgol ko. Lumapit sakin si Tita Ysa at dinamayan ako sa pag iyak. Hawak ko pa rin ang kamay ni Yara at dinadama ang mainit niyang kamay.
Bigla kong naisip ang huli naming pag-uusap. Nag paalam kami sa isa't isa pero hindi ko inexpect na ito pala ang mangyayare. Kung alam kong yun na ang huli, sana pala... sana pala hindi na ako bumitaw sa pagkakayakap ko sakaniya.
My mind was too clouded. Everything was not sinking in. I couldn't help but to break down and cried loudly. Screaming and yelling.
"Yara naman, bakit biglaan?" Tanong ko sakaniya. Humihikbi ako ng ilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "How will I live now? How can I live without you?"
My heart is breaking into pieces. Ang daming pumapasok sa isip ko at lahat yon happy memories namin ni Yara. Bakit ang aga niyang bawiin sakin? Bakit ang bilis naman. Umiiyak ako habang paulit ulit kong sinasabi na mahal na mahal ko siya. Paulit ulit kong binubulong sakaniya yon. Sabi nila pag namatay daw ang tao, ang huling nawawala sakanila ay hearing. So Im hoping na naririnig niya ang bawat salita ko. Kahit masakit, kahit may kasamang pag-iyak sana naririnig niya ako.
"M-mahal na mahal kita... wag mo kong kakalimutan ha? I will never forget you, you will always be in my heart."
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...