9

339 11 3
                                    

"Anong nababalitaan kong nililigawan ka ni Elijah?! Shuta ka lumalandi ka na?!"






Napairap ako sa sigaw ni Anya sa room, napatingin tuloy ang mga kaklase namin at nag simula akong asarin. Nahihiya ako dahil ngayon ko lang naman narasanan ito. Pero hinayaan ko lang ang mga kaklase ko na mang-asar at kiligin samin ni Elijah dahil lilipas din naman yan at masasanay din sila.





"Ano na? Pumasok ako para sa chismis kaya wag mo akong idaan sa mga ngiti mo." Anya said that made me smile.






Tinititigan nila akong tatlo at nag aabang talaga sa sasabihin ko. I wouldn't deny that I like Elijah's way of proving his feelings for me. Nawala na rin yung awkward feeling simula nung palagi na kaming magkasama and masaya ako kapag nakakasama ko siya. p
Parang walang dull moments.






"Ayan na! Ngumingiti na mag-isa, delikado to!"  Hinampas ko sa balikat si Yara. Paano ba naman kasi lahat ay napapansin niya!






Kinulit talaga nila ako tungkol kay Elijah kaya sinabi kong kinikilala pa namin ang isa't isa. Naging mabilis din para sa akin ang lahat dahil hindi ko naman inexpect na manliligaw ang lalaki sa akin.





Tumambay lang kami sa room hanggang mag lunch time. Pinag uusapan pa nilang sa mall kami kakain at hindi na namin papasukan ang last subject dahil trip nilang mag window shopping. Pero nag iba ang plano ng makita nila si Elijah sa labas ng room at may bitbit na mga pagkain. Konti nalang ang natirang kaklase namin sa loob kaya walang nanukso sakin. Agad akong hinila ni Yara patayo para salubungin si Elijah. Nang nasa harap ko na siya ngumiti siya sa akin at binati ang mga kaibigan ko. Matangkad ako pero dahil mas matangkad siya ay hanggang baba niya lang ako.






"Taray may pa-lunch!" Sabi ni Olive sakaniya.





"Para hindi na kayo lumabas, sasabay na din kasi ako ng kain sainyo." Ngiti niya sa mga kaibigan ko.





"Kung lagi kang may dala, kahit araw araw ka pa namin kasabay!" Pag bibiro ni Yara.





"Tara na, kumain na tayo!" Sabi ni Anya atsaka kinuha ang isang paper bag na hawak ni Elijah.




I just looked at him and said, "Thank you."





"Ang lambot mo te! Sino nag pressure cooker sayo?" Pang-aasar na ni Yara sakin.





They laugh because of Yara then we formed a circle. Katabi ko sa kaliwa si Elijah, sa kanan ko naman si Yara. He ordered a meal from Blakes Restaurant, nahihiya tuloy ako dahil ang dami niyang binili!





"Kailan ang alis mo?" Napatingin ako kay Olive ng sabihin niya iyon.





"After graduation pa." Sagot ni Elijah.





Parang hindi ko malunok ang kinakain dahil sa usapan nila. Lalo pa at wala akong alam doon.






"Im going abroad to reach my dream there." Sabi niya.





Nagulat ako dahil nasa akin na ang tingin niya. I fakely smiled at him. May kumurot sa puso ko ng sabihin niya iyon, siguro dahil aalis  siya ng bansa at magkakalayo kami. O baka dahil... nabanggit nanaman niya ang tungkol sa pangarap niya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naiinggit ako sakaniya. Wala naman akong balak na sirain ang plano niya sa buhay, nagiging sensitive lang siguro ako dahil hindi ako kagaya niya. Kagaya niya na malayang abutin ang pangarap.






"Saang bansa?" Tanong ni Yara sakaniya.





"USA. My dad is there too." He smiled again.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon