"Anong nangyare sayo nung ball night?" Bungad sa akin ni Yara pagkapasok ko sa room.
Pawisan ako ng makapasok sa room namin. Masama pa ang tingin sakin ni Yara. Si Olive naman ay nakatitig lang sa akin at pinanunuod ang pag-ayo sa buhok ko.
"Bat kayo magkasama ni Elijah?" Tanong niya pa.
"Kumain lang kami sa labas." Sagot ko habang itinatali ang buhok ko.
"Kumain sa labas? E may pagkain naman don sa event." Pag-irap niya pa.
Napasinghap nalang ako dahil alam ko namang hindi ko kayang ilihim sakanila ang tungkol sa amin ni Elijah. Pagkatapos ng gabing hinatid niya ako sa bahay, naging espesyal na ang pakikitungo sakin ni Elijah. Wala naman siyang ipinaalam sa akin o ipinangako, kusa kong nararamdaman ang mga kinikilos niya para sa akin. Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang plano niya sakin dahil wala naman siyang sinasabi sakin pero sa mga kilos niya ay may hinala na ako.
"Kung sinabi niya yon kay Tita, edi nanliligaw na nga." Pagpapaliwanag ni Olive sa kwento ko.
"Tigilan mo ako Olive! Dapat nilinaw din niya kay Kisses na manliligaw na siya!" Pangongontra ni Yara.
"Selos ka lang eh! Bleh!"
Natawa nalang ako sa pag-aasaran nila. Hindi naman na nila ako kinulit tungkol sa detelaye kung paano humantong sa ganon ang sitwasyon namin ni Elijah. Ramdam ko naman ang suporta nila at alam kong masaya sila para sa akin lalo na at ngayon ko lang naranasan ang ganito.
"Ano yan?" Tanong ko kay Elijah ng makalapit ako sa pwesto niya.
Nandito kami sa Booze dahil mayroong gig ang banda nila. Inaayos pa ang stage at wala pa si Archir kaya narito siya sa table namin at tahimik na nag babasa ng notes niya.
"Review." Nakangiting sagot nya sakin kahit nasa notes ang mga mata niya.
One thing I like about him, he knows how to compromise things. Natutuwa ako sakaniya dahil kaya niyang pagsabayin ang pag aaral at ang musika.
"Tapos na ang exam diba?" Tanong ko pa.
"Para sa pagpapalipad ng eroplano to."
"Pagpapalipad? Akala ko gusto mo maging FA?" Takang tanong ko.
"Gusto ko lang ng college degree kaya nag take ako ng tourism. Im currently studying in flying school also. Pag pipiloto talaga gusto ko. My Dad is a Pilot, that's why."
"Wow! Kaya pala, ano yan? Gusto mo din? O gusto lang ng Dad mo?" Tanong ko pa.
"Gusto ko. Pangarap kong magpalipad ng eroplano bata palang ako. Iyong tourism naman? Flight attendant ang Mommy ko, inaral ko dahil curious ako at para na din sa degree."
"E ang pagkanta?" Curious na tanong ko.
"Hobby ko lang." He looked at me and smile.
Nang dumating na si Archie, umakyat na rin siya sa stage para mag umpisa na sa performance nila. Nakaupo lang ako sa harap at seryosong pinanunuod siya. Palihim akong humahanga sa mga ginagawa niya. Hindi ko lubos maisip na makakatagpo ako ng isang tulad niya. May pangarap at alam ang gustong gawin sa buhay.
Samantalang ako? Eto may gumagawa ng sarili kong desisyon. Naka plano na ang future ko bago ko pa iplano. Naiinggit lang ako sakaniya dahil nagagawa niya ang gusto niya ng walang hadlang. Kaya siguro ganyan siya, na kaya niyang gawin ang lahat dahil may mga taong nakasuporta sakaniya at malaya siyang gumalaw para maabot ang pangarap niya.
"Ibibigay ko ang lahat..."
Naluluha ako habang pinakikinggan siya sa harapan. Mabilis din ang pag tibok ng puso ko dahil sa mga mata niyang tahimik akong tinutunaw.
"Pati na rin ang 'yong pangarap... sasamahan kita kahit saan, kahit saan..."
Ikinanta niya iyon nang nasa akin ang mga tingin. His eyes feels comfort to me, and his smile gave me a warmth.
"Patay na patay talaga sayo si tanga oh."
Doon lang ako bumitaw sa pagtitig niya nang mag salita si Yara. Binatukan siya ni Olive na agad na pinagtanggol ang pinsan. Nang matapos naman ang performance nila, nag-aya ang mga kaibigan ko na kumain sa samgyup dahil nung nakaraan pa sila nag ki-crave doon.
Sumakay kami ni Yara sa sasakyan ni Elijah, hindi naman namin kasama si Anya kaya mas pinili ni Olive na umangkas sa motor ni Archie dahil naiinis daw siyang katabi si Yara. Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa restaurant.
"Tabi na kayo ni Yara sa upuan, Kisses." Sabi ni Elijah ng makita namin ang pwestong napili nila Olive.
"Bakit? Selos ka kay Archie?" Sabi ni Yara. Inaasar siya.
"Mas okay lang tignan kung magkakatabi kayong mga babae." Sagot ni Elijah.
Napangiti nalang ako at naisip na mas komportable din ang ganong arrangement. Pagkaupo namin, nag uumpisa na sa pagluluto ng karne si Olive. May mga side dish na rin silang nakuha kaya wala na kaming ibang gagawin kundi ang maghintay sa niluluto niya.
"Kisses oh." Gulat akong napatingin kay Archie ng lagyan niya ako ng karne sa plate ko. "You should eat a lot, masarap ang marinated meat nila dito."
I awkwardly smiled at him. Napatingin din ako kay Elijah na seryoso na ang mukha at nakakunot ang noo kay Archie.
"You don't have to do anything for Kisses." Natahimik kaming lahat nang biglang magsalita si Elijah at seryoso pa ring nakatingin kay Archie.
"Bakit naman?" Tanong ni Archie. Halatang nagulat din siya.
"Nag seselos ako."
Lalo akong natigilan sa sinabi niya. Parang naiwan ako sa ere at nakatulala lang sakanilang dalawa.
"Sapat na bang dahilan yon para tigilan mo ang nililigawan ko?" Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...