21

264 10 1
                                    

"Hello." I breathed





Elijah is on the line. Kakagising ko lang at ramdam ko ang maga ng aking mga mata.




"Pauwi na kami. Gusto mo ba diretso na ako sainyo?"




Napangiti ako sa sinabi niya. Bumangon ako sa kama para buksan ang malaking kurtina sa kwarto ko. Napapikit pa ang isang mata ko nang tumama sa mukha ko ang sinag nang araw.




"Mag pahinga ka muna pagka dating nyo. Bukas na tayo magkita." I said on my low tone voice.



"I miss you." 




When I hear that something tugged at my heart. His voice sounded so comforting. Wala siyang idea sa nangyayari sakin. Ayaw ko din naman ipaalam dahil ayaw kong masira ang bakasyon niya.





Natapos din naman agad yung tawag at sinabi niya ngang susunduin niya ako bukas. Nothing happen on my day except sa tinawagan ako ng mga kaibigan ko. Nag group call kami tapos nag kwento lang sila kung anong nangyare sakanila nung pasko.





"Parang ayaw ko na bumalik sa Pinas. Sobrang ganda talaga dito sa Korea kahit sobrang sungit ng mga ajumma dito." Kwento pa ni Yara samin.




"Ikaw Kisses? How's your christmas?" Tanong ni Olive sakin. Nawala tuloy ang ngiti sa mukha ko na agad naman nilang nahalata. Wala tuloy akong choice kundi ikwento nga sakanila ang nangyare.




"Edi ano nang plano mo nyan?" Tanong ni Anya.




"Honestly, hindi ko alam. Hindi ko nga sila kayang harapin e. Kaya nakakulong ako sa kwarto." I replied.




"Alam mo kung ako sayo, ituloy mo nalang yung nasimulan mo. Patunayan mo sakanila na may mararating ka sa pag momodel." Suggestion ni Olive.




Naisip ko na din yon kaso hindi ko pa talaga alam. Parang hindi pa tamang oras para isipin yon. Kumunot naman ang noo ko nang pag masdan sa screen si Yara. Balot na balot siya ng kumot at may nakadikit na kung ano sa sintido niya.




"Anong nasa sintido mo? Are you sick?" Alalang tanong ko.




"Headache lang. Ilang araw na nga to."




"Baka sa weather sis." Sabi agad ni Olive.



"Baka nga. Sobrang lamig kasi dito."



"Sus, kakacellphone niya yan." Bulyaw ni Anya.





Natawa nanaman tuloy kami dahil doon. Kahit kailan talaga hindi natatapos ang usapan namin ng walang kalokohan. Gumaan tuloy kahit papaano ang pakiramdam ko. Pagkatapos ko silang kausapin naligo muna ako para mapreskuhan. Nakaka-kain na din ako kahit konti,  hindi na tulad ng mga nag daang araw na wala talaga akong gana.



Nanuod lang ako ng movie maghapon hanggang sa makatulog ako. Nagising tuloy ako nang tanghali kaya nag madali akong kumilos. Hindi ko alam kung anong oras kami magkikita ni Elijah pero nag prepare na ako ng maaga just in case tumawag siya.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon