"Ano, tara na?"
Ngumiti ako kay Ms. Zia bago ko kuhain ang maleta ko at sumunod sakaniya palabas ng condo niya. Bawat hakbang na ginagawa ko ay siya naman pagbigat ng puso ko.
Napangiti ako ng malungkot ng sumagi sa isip ko ang pamilya ko. Nakakalungkot dahil hanggang sa huling sandali, ni hindi man lang nila pinaramdam na mahal nila ako. Wala man lang pumigil sa akin nung gabing umalis ako. Wala e, ganon talaga. Sanay naman na ako.
"Ms. Zia, pwede ba tayong dumaan saglit sa sementeryo?" pakiusap ko sakaniya pagkasakay namin ng sasakyan. Tumango naman siya at sinabing may oras pa naman kami.
Gusto ko lang magpaalam kay Yara. Alam kong masaya si Yara sa pagalis ko. Dahil sa wakas, aabutin at gagawin ko na ang bagay na gusto ko. Sumandal ako sa bintana ng sasakyan atsaka sumulyap sa kulay asul na kalangitan.
"I know you're proud of me," bulong ko habang iniisip siya.
Proud siya sakin diba? Dahil kahit papaano kinakaya ko. Pinipilit kong kayanin para sa sarili ko. Nasasaktan lang ako dahil wala na siya. Nasasaktan ako dahil nangyare ito ng wala siya sa tabi ko.
"Tama ba tong pinasok natin, Kisses?" Umupo ako ng maayos ng magsalita si Ms. Zia. Inilibot ko pa ang paningin sa paligid bago siya harapin.
"Opo tama, diretso pa tayo ng konti." Nang makita ko ang malaking puno, pinahinto ko na ang sasakyan. Iyong puno kasi ang palatandaan ko. "Saglit lang ako, wag niyo na ako samahan." Sambit ko pa.
Ngumiti lang sa akin si Ms. Zia, "sige, take time, mahaba pa naman ang oras."
Bumaba na ako ng sasakyan at mag isa ngang pumunta sa puntod ni Yara. Pero napahinto ako sa paglalakad ng may makitang pamilyar na lalaking nakaupo sa tabi ng puntod niya.
Kahit na nakatalikod ay nakilala ko na agad siya. His wearing a black shirt at may hawak na gitara. Nagtago agad ako sa likod ng malaking puno at doon siya palihim na pinagmamasdan. Mula dito ay rinig ko ang pag tugtog niya ng gitara pero hindi ko marinig ang pagkanta niya.
Umupo ako sa ilalim ng puno at muli siyang tinignan. "I'm sorry," bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Sorry dahil iniwan kita... I'm sorry for hurting you."
I do regret what happened to us. Alam kong ang daming tanong sa isipan niya. Ni hindi niya alam kung bakit ko nagawa yon... Pero ganyan naman si Elijah sakin, eh. Palagi niya akong iniisip. Akala niya ay magiging masaya ako sa paghihiwalay namin kaya pumayag siya.
"Sorry... kung binitawan kita. Sorry kung hindi ako nag iisip... gusto ko lang matupad ang pangarap mo at umalis ka ng hindi ako ang naiisip mo dahil... dahil okay ako. Okay ako, Elijah." My voice broke. Umiiyak nanaman ako.
Sobrang dami kong gustong sabihin sakaniya. Sobrang dami kong gustong linawin... Pero para saan pa? Wala na akong karapatan magsalita dahil nasaktan ko siya.
Agad kong pinunasan ang luha ko ng makita siyang tumayo. Nag tago rin ako sa likod ng puno. Tinakpan ko din ang bibig ko ng marinig ko ang paghakbang niya. Ang akala ko pa ay makikita niya ako pero hindi... Nilagpasan niya ako at diretso ng naglakad papalayo.
Mas lalong tumulo ang luha ko habang pinag mamasdan ang pag-alis niya. "Thank you... for everything. Ikaw lang ang kaya kong mahalin ng ganito..." Bulong ko pa.
"Salamat sa saya at pagmamahal. Hinding hindi kita kayang kalimutan. Ikaw yung nag paramdam sakin ng pag-mamahal... at kung gaano ako kahalaga."
He pushed me into doing good things. Siya rin ang nag push sa akin para sa pangarap ko. Siya ang nagtutulak sa aking gawin ang mga gusto ko, siya rin ang nagparanas sa akin ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko.
"Sorry... kung sumuko ako." Umiyak ako lalo. He was too precious to me.
Marahan akong tumayo at naglakad papunta sa puntod ni Yara. Umupo ako sa damuhan atsaka umiyak ng malakas. "Ang sakit Yara, sobrang sakit... mahal na mahal ko siya."
Matagal akong umiyak sakaniya at tinititigan lang ang puntod niya. Nang kumalma na ay tumayo na rin ako at nag paalam na sakaniya. Hanggang ngayon, kay Yara ko pa rin iniiyak lahat.
"I love you, so much." Sambit ko sa puntod niya. "I'll chase my dream and I promise that I will make it. Goodbye... my best friend, till we meet again!"
Bumalik ako sa sasakyan ng namumugto ang mga mata. Pumikit agad ako pagkasakay ko dahil gusto kong ipahinga ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Mabuti nalang at hindi na nagtanong sakin si Ms. Zia kaya nakatulog ako sa byahe. Mabilis lang din ang byahe dahil isang oras lang ay nasa airport na kami. Hatak-hatak ko ang maleta ko habang nakapila kami ni Ms. Zia papasok sa airport. Nilabas ko na ang passport at flight details ko para i-check ng guard.
"Kisses!"
Natigilan ako nang makarinig ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa paligid hanggang sa makita ko si Elijah. Umiwas ako ng tingin at binigay na sa guard ang mga kailangang i-check.
Nanatili akong nakatingin sa harapan habang naririnig ang malakas na sigaw niya. He was screaming my name at halata sa boses niya na umiiyak siya. Pasikip ng pasikip ang dibdib ko dahil pinipigilan ko ang sariling lumingon sakaniya.
I wanted to moved forward without looking back, so I could completely let him go. I wanted us to chase our dream separately. Hindi ito yung plano namin pero ito ang mas nakakabuti para sa amin.
T
ill our next eclipse, my love.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...