37

271 11 3
                                    

After the graduation ceremony, inaya ako ni Tito Tim na kumain sa labas. We celebrated and eat a dinner sa restaurant ni Tita Ca. She even cooked for us.



"We'll achieve more, love." Elijah kissed me on the forehead when Tito Tim raised a glass for us.


"To more achievements, mga anak!"


At some point, kahit wala ang pamilya ko I still have the Pangilinan. Sila na walang kahirap-hirap na tinuring akong anak. Kahit papaano ay hindi ganon kalungkot ang araw na to dahil sakanila.


After that dinner, Elijah drove me home. Maliwanag ang bahay pagdating namin kaya bumaba si Elijah dahil gusto raw niyang batiin ang parents ko. Kahit na hindi sila naka punta kanina ay excited pa rin akong ipakita ang award ko sakanila. Sa bawat hakbang na ginagawa ko papasok ng bahay ay umaasa akong magiging masaya sila. Pero...




"Hi, darling!" sinalubong ako ni Tita Candice. Malaki na ang tyan niya at kasama niya si Lola. Hindi ko siya pinansin dahil nilibot ko ang bahay para mahanap sila Daddy.


"Hello po, good evening po." I heard Elijah greeted them. Naramdaman ko ding sumunod sakin si Tita Candice.




"Hinahanap mo ba sila?" She asked me. Tumingin ako sakaniya, hindi ako nag salita at inabangan lang ang sasabihin niya. "Umalis sila, e"





"Saan sila pumunta?" kahit kumirot ang puso ko nagawa ko pa rin tanungin yon. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na bago matapos ang araw na to, mapupuri nila ako.





But maybe... their attention was not for me.



"Umalis sila papuntang Korea kanina. Graduation gift daw kay—"





Hindi na natuloy ni Tita Candice ang sinasabi niya ng makita akong sumalampak sa sahig. Elijah run towards me, nang makarating siya sa tabi ko tuluyan ng bumagsak ang luha ko.


Ganon ba talaga ako kawalang halaga sakanila? Grumaduate din ako pero bakit hindi ko matanggap ang ganong pagtrato kagaya sa kapatid ko? Ano ba talaga ako sa pamilyang to?



"I heard, Summa Cum Laude ka, and your mom called us para sana samahan ka kanina kaso... pag dating namin don tapos na." Lola Caramel said it with full of regrets. "Sorry apo, nahuli kami. Sorry din kung wala sila."


Duon na ako umiyak ng umiyak. Pati ba naman sorry nila sa iba ko pa maririnig. Sinuntok ko ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng pagtibok non. Parang dinudurog ang puso ko ngayon sa sobrang sakit.




"Kisses, don't hurt yourself. Please," Elijah looked at me. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.



"Ang sakit... sakit, sakit." Pag iyak ko sakaniya. "Apat na taon kong pinaghirapan to. Inaral ko  kahit hindi ko gusto. Ginawa ko dahil yun ang gusto niya pero bakit... bakit pag dating sakin parang laging kulang. Bakit pakiramdam ko kahit anong gawin ko, kahit sundin ko lahat ng gusto niya ay wala pa rin."






"Sssssh, tahan na, darling. Hindi ka kulang okay? You're morethan enough. Proud na proud kami sayo ni Mama." pag comfort sakin ni Tita Candice.





Iyak ako ng iyak dahil sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko. Nakasalampak na ako sa sahig at basang basa ang mukha ko dahil sa pag iyak.



"Galit ako sakanila, pero mahal na mahal ko pa rin sila." pag rereklamo ko. Naiiyak ako lalo ng mag sink in sa akin na umalis sila ng bansa dahil ayun yung regalo ni Daddy kay Ate. Naiiyak ako dahil never pa nila akong dinala sa ganoong lugar. Naiiyak ako dahil buti pa ang mga kapatid ko, kahit walang gawin ay mahal na mahal ng ama nila.



"Buti pa sila nakakapag-ibang bansa... hindi man lang niya ako yayain." humihikbi na ako.





"Love," pagpapatahan sakin ni Elijah. Pinupunasan niya pa ang ang mga luha at pawis ko gamit ang panyo niya. Si Lola Caramel naman ay inayos ang buhok ko at tinalian iyon.



"Darling, isipin mo nalang mas maraming nag mamahal sayo." naiiyak na rin si Tita Candice dahil sakin.






"Gusto ko lang naman bumawi sakin si Daddy... ilang taon na ko pero never siyang bumawi."





"Hayaan mo na ang Daddy mo apo, matigas talaga ang puso niya pag dating sayo. Wag na natin ipilit."





"Ayoko," parang bata ang pag iyak ko. "Mahal ko si Daddy... kahit lagi niya akong sinasaktan, lagi niya akong pinapaasa."





"Kaya nga, itigil mo na. Wag mo hayaan ang sarili mo na umasa. Lalo pa at wala naman pinangako sayo si Kuya Mikko." Alam kong naiinis na si Tita Candice ng sabihin niya yon. Umiiyak na rin siya at nasasaktan para sakin.



"Kaya pala wala sila kanina kasi pumunta silang ibang bansa..." masakit ang bawat pag hikbi ko. "Ngayon na nga lang sila babawi sakin, hindi pa nila nagawa. Nag makaawa na nga ako sakanila pero wala pa rin... umasa lang ako."




Palagi nalang akong nasasaktan ng ganito. It hurts so much because the first man who let me down is my own father. I always cry because of him. But now? Ngayon na sobra na, pakiramdam ko hindi ko na deserve to. I do love my dad even mom. Pero napapagod din ako. Pagod na ako. Tama si Lola, wag ko na ipilit. I was never cared and I am so tired of waiting and begging for attention. Pagod  na akong icompare sa mismong kapatid ko.


Ayoko nang paasahin ang sarili ko na babawi sila sakin. Ayoko na maghintay sa pag mamahal nila. Baka nga siguro kaya to nangyayare sakin, baka kaya paulit ulit akong nasasaktan dahil ito yung sign ni lord sa akin na itigil na. Dahil paulit ulit yung sakit na para bang wala na akong choice kundi i-let go sila. Hindi rin naman ako mag sisisi dahil i-lelet go ko sila ng wala akong pinagsisihan. Ginawa ko ang lahat ng gusto nila, binigay ko lahat. Ang lungkot lang dahil kahit pala sa sarili mong pamilya mauubos ka.





Ang galing lang dahil totoo pala na kusa mo nalang mararamdaman na ayaw mo na. Bigla nalang akong nawalan ng gana. Nakakapagod. Hindi ko na rin alam. Matagal akong nag tiis, matagal ko silang binigyan ng pagkakataon. Napapaisip lang ako na sa sarili kong kwento nasaan kaya ako? Kailan kaya yung ako naman?





"Mahal," I looked at Elijah when he calls my attention. Umiiyak siya dahil sakin. Alam kong ayaw niya akong makitang nag kakaganito. "Tama na, please? Don't be so hard to yourself."





"Tama si Elijah, wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Oo pamilya mo sila, pero kung hindi na worth it, i-let go mo na. It's time na to stand on your own." Tita Candice said while wiping my tears.




"Love should not hurt. Love does not hurt and if it's hurting you, it's not love." malambing ang boses ni Elijah. At habang tinitignan ko siya, hindi ko maiwasang makita ang Daddy niya sakaniya.




Lalo akong naiyak dahil sinampal niya sa akin ang katotohanan. It's true. If it's hurt, it's not love. Because love is supposed to heal you. Love is supposed to comfort you, to give you peace and security. At lahat ng yon... hindi ko naramdaman sa sarili kong pamilya.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon