"Kisses..."
Lumingon ako sa likod ng marinig ang pangalan ko. My mind was blown when I saw Elijah standing behind me. May hawak siyang cup ng Starbucks at diretsong naka tingin sa mga mata ko. Hindi ko mabasa ang itsura niya pero mukha siyang kinakabahan at parang hindi sigurado sa ginagawa niya.
"Yes?" I act normaly.
"Start na ng class mo?" His voice was calming parang kumakanta pa rin ang tinig niya.
Tumango lang ako sakaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin. I feel like Im loosing words. Palagi akong na bablanko pagkaharap siya.
"Ahh, ganon ba. Hatid na kita sa room niyo... Okay lang?" Nakatitig lang siya sa akin at nag aabang ng isasagot ko. "Wala na akong klase. Gusto ko lang din makita si Olive." Dagdag niya pa.
Naramdaman ko agad ang hiya nang may iilang estudyante ang nakatingin samin. Tumango nalang ako sakaniya atsaka nag simula na kami sa paglalakad. Medyo malayo pa ang lalakarin namin dahil nasa fourth floor pa ang classroom ko. Hindi pa man kami nakakarating doon naririnig ko na ang pang aasar nila Yara.
Nilalabanan ko ang isip ko ngayon na kaya niya ako sinasamahan mag lakad ay dahil lang kay Olive. Dahil gusto niyang makita ang pinsan niya. Dahil nagpapalipas lang siya ng oras. Yun lang yung dahilan kung bakit niya ako ihahatid ngayon. Kung bakit siya nag lalakad ngayon katabi ako! Hindi ko na kailangan mag isip pa ng iba. Less expectation, less hassle.
"Uhm... Pwede mag tanong?" Pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa. Mariin kong pinisil ang kamay ko para mawala ang kaba ko.
"Hmm?" Walang kwenta kong response sakaniya.
"I know its random. But... I have this friend. He has a huge crush to this girl and he was planning to say it but he can't. Any suggestion?"
Napakagat ako ng labi sa tanong niya. Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman ito. Napaka OA lang naman kasi ng tibok ng puso ko! Ang tanong naman niya, e tungkol sa kaibigan niya.
"Have courage? I think?" I simply said. He smiled at me and pat my head. Parang nakakatanda ko siyang kapatid sa naging reaksyon niya.
"You think so? Sige I tell him that." He uttered.
I gave him a smile as we reached my classroom. Hindi pa ako nakakapasok sa loob, sinusundo na ako ni Yara sa labas.
"Hoy! Hoy, ano yan?! Bat may paghatid?" Mataray na sabi niya sa lalaki.
"Hi! I just want her to be safe." Sagot ng lalaki sakaniya.
"I just want her to be safe... " paggaya ni Yara sakaniya. "Eme ka!"
"Gusto niya din makita si Olive." Sabi ko na sumulyap pa sa room at hinahanap si Olive.
"Hindi na. Aalis na din ako." Nakangiting sabi lang ni Elijah. "This one is for you," nagulat pa ako nang iabot niya sakin ang kaninang hawak niyang cup.
"Ha? Bakit? Para saan?" Kinakabahan ako sa mga titig niya. Nahihiya din ako kay Yara dahil kailangan niya pang makita ang ganitong eksena.
"Diba your into coffee?" He smiled again before saying good bye.
Hinila agad ako ni Yara sa room at pasalampak akong pinaupo sa upuan niya. Mabilis din naman lumapit sila Anya at Olive sa pwesto namin.
"Akin na to! Baka mamaya may gayuma to!" Kinuha ni Yara ang kapeng hawak ko at agad nga niyang ininom.
"Tingin mo sa pinsan ko? Dadayo pa sa quiapo?" Matalas na tinignan ni Olive si Yara. Natatawa lang si Anya sakanilang dalawa.
"Masyadong to good to be true yang pinsan mo. Iniingatan ko lang bff ko!"
The next days were very busy. Puro pag-gawa ng research paper ang inaatupag namin tapos hataw kami sa pag rereview dahil madalas mag pasurprise quiz ang mga prof. Hilong hilo na nga kami kung ano ba ang dapat unahin naming aralin.
Madalas ko na din nakikita si Elijah dahil napapadalas na ang pag tambay niya sa building namin. We talked a lot these days. Minsan sumasama siya samin lalo na pag vacant time nila. He's starting enjoying our group. Hindi ko naman napapansin ang sinasabi ng mga kaibigan ko na interesado daw sa akin ang lalaki. Or baka naman iniiwasan ko lang din na mapansin yon dahil nahihiya ako.
Pero hindi ko naman maitatanggi sa sarili ko na palagi ko siyang palihim na tinitignan. Everyday I still noticing everything he did. His reading habits, his routines, the way he talked, the way how he act. I started reading through everything. He was so gentleman and I think it's too much. To the point na nabibigyan na iyon ng meaning nang iba. I saw how he really loves music, hindi lang iyon basta libangan sakanya. It's a passion and I can see that someday he will create his own name. He's doing well on school, kahit busy sa banda hindi niya napapabayaan ang pag aaral niya. I wonder kung gusto niya ba talaga ang kursong kinuha niya o inaral niya lang iyon para lang masabing may degree siya.
"How's your exam?" He asked me when we met on cafeteria.
"I think it's good." I answered. Busy din ako sa pag tipa sa phone ko.
"Are you attending the student's night?" He asked.
"Of course." Sagot ko kahit hindi sigurado.
Nakangiti ako nang mag angat ang mukha ko sakaniya at mag tama ang mga mata namin.
"Stop staring at me." Suway ko bigla sakaniya dahil natutunaw ako. Palagi siyang ganyan tumingin. Kahit sa iba ay ganyan din. Parang lagi niyang tinutunaw ang kausap niya.
"I said, stop it. May gusto ka ba sakin ha? Kung makatitig ka dyan!" Nanlaki ang mata ko sa nasabi ko sakaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba nasabi iyon. Kusa nalang lumabas sa bibig ko.
"Oo. Matagal na, diba?" He uttered.
Natulala lang ako sakaniya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Hindi ko rin alam ang irereact ko dahil wala akong alam sa mga ganito!
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...