23

277 10 6
                                    

A lot of things happened after that. Internship at reviewing sa final exam ang pinagkaabalahan ko. Madalang kami magkita ni Elijah ngayon dahil pumapasok pa siya sa flying school. Nakikilala na rin ang banda nila kaya madalas na rin silang magkaroon nang  gig. Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawa ang lahat. Tapos hindi pa siya nagkukulang sakin bilang boyfriend ko. As in hindi pa ako nadidisappoint.





Kinokontak na rin ako ni Ms. Zia dahil gusto niyang malaman  ang schedule ko dahil mayroon daw balak kumuha sakin para sa endorsement. Pero hindi ako nag rereply o sumasagot sa tawag niya. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ituloy yon. Siguro pinipigilan ako ng konsensya ko dahil sa nangyareng sagutan namin ni Daddy. Lalo pa siyang naging cold sa akin at mas pansin kong iniiwasan  niya ako. My mom and my sisters are busy on their own stuff. Paminsan ay kinakausap ako ni Hershey. Siya lang atsaka si Mommy ang nakikita kong nag babago ng treatment sakin at ramdam ko na sinusubukan talaga nilang mapalapit sakin.





"Alam na ba ng parents mo ang tungkol satin?" Tanong  sakin ni Elijah habang kumakain kami sa coffee shop.




"Kailangan pa ba yon?" Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa at marahang pinisil yon.



"Sa tingin ko kailangan nila," maingat na sagot niya sakin. "Tsaka papakasalan kita, gusto ko ring kilalanin ang pamilya ng mapapangasawa ko."




My cheeks turned into red and I couldn't believe he will think that way. Isang buwan palang kami pero pagpapakasal na ang iniisip niya. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko tungkol don kaya wala akong choice kundi sirain ang moment niya.




"Hey! Mag pipiloto ka pa ha?" Paalala ko nalang sakaniya.



"Mag momodel ka pa ha?" Nag bago ang itsura ng mukha niya nang makitang naging seryoso ako. Hindi ko rin alam kung bakit kumikirot ang puso ko kapag naririnig ko ang tungkol sa pangarap ko. Hindi ko rin maiwasang maalala ang gabing nagkasagutan kami ni Daddy.




"Itinatanong ka sakin ni Rico dahil gusto ka raw makausap ni Zia. Hindi ka raw kasi sumasagot sakaniya." Mukhang napilitan pa siyang sabihin sakin ang bagay na yon. "Sabi ko nalang na busy ka sa internship mo at di pa kaya ng sched mo." Dagdag pa niya. He also gave me a reassuring smile.





"Pinag iisipan ko pa kung... itutuloy ko." Marahang sabi ko. Tumango lang siya sakin at hindi na ako kinulit tungkol don.





Alas otso na kami nakalabas nang coffee shop dahil sinulit namin ang oras na magkasama kami. Ngayon lang kasi nag tugma ang schedule namin. Bukas ay last day ko na sa intership kaya magiging mas maluwag na ang schedule ko. Siya naman isang linggo pa ang kailangan para matapos niya ang kaniya. Nalulungkot tuloy ako kapag naaalala na malapit na din ang pag alis niya.






"Si Yara pala nakita ko kanina sa clinic. Okay lang ba siya?" He asked me while were walking back to his car.





"Ahh, inutusan yon kanina ng prof namin. Baka may pinakuha lang."





"Akala ko  may sakit."






Pumasok kami sa sasakyan niya at agad  pinalamig ang loob. Naramdaman ko ang pagtingin niya kaya napatingin din ako sakaniya. His wearing a black hoodie jacket tapos naka jogger pants lang din siya at white shoes. Gaya niya, naka hoodie jacket lang din ako. Pero bakit parang ang pogi niya pa rin tignan kahit na ang simple lang ng ayos niya?





"Why are you looking at me?" He asked me. Tinarayan ko tuloy siya.




"Sino kaya ang tumitingin dyan sakin?" I scoffed. Natawa tuloy siya dahil don.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon