After ng battle of the band, walang araw ata na hindi ko naririnig sa mga kaibigan ko ang pangalan nung pinsan ni Olive. Walang ibang bukambibig ang mga kaibigan ko kundi ETHAN. ETHAAAN. EEEETHAAAN!! Oo na nga, gwapo talaga yung lalaking yon pero required ba talaga na araw araw nilang sasabihin yon??
Malapit na ang exam week at ang wish ko lang naman ay sana may maisagot sila sa test paper kaka-Ethan nila ha?! Mabuti nga at naisip nilang mag aral ngayon sa library dahil kung hindi pa kami mag rereview, talaga namang panigurado may babagsak samin.
Pero mukhang hindi rin sila makakapag-aral ng maayos dahil pagkapasok palang namin sa library, kitang kita agad ang distraction. Yes! Ethan is here! Sinusundan ko lang sa paglalakad ang mga kaibigan ko habang... habang nakatingin sa tukso.
Hindi ko alam kung gaano ko na sya katagal tinitignan or even noticing him. Nag simula lang naman to nung gabing napanood ko siya sa battle of the band and the next days are unknown.
I was watching him bitting his lower lip and seriously staring at his book. Makapal ang kilay nya, matangos ang ilong, makinis ang mukha at maganda ang labi. Hindi ko alam na kaya pala talaga ni lord gumawa ng ganyang kagandang mukha!
"Beb, ayun may pwesto na. Tara!"
Napatingin ako kay Anya na nakaturo sa kabilang table malapit sa pwesto ni Ethan. Hindi ko alam kung malas ba o swerte ang oras na to dahil minsan na nga lang kami magawi sa library, e nandito pa talaga siya.
"Gaganahan akong mag aral ngayon ah!" pagpaparinig ni Yara kay Ethan pagkarating namin sa pwesto.
"Hey!" agad na tumango ang lalaki sa amin nung makita kami.
Kinuha ko agad ang ipad na dala ko dahil gumawa na ako ng sarili kong notes. Mas madali ko kasing maintindihan at matandaan ang mga inaaral ko kapag ganoon. Kailangan ko pa naman mag focus sa binabasa ko dahil alam kong madidistract ako. Hindi pa nakakatulong ang amoy ng pabango nitong lalaking to! Sobrang bango niya as in! Kahit may isang metro ang layo niya sa amin amoy na amoy ko pa din ang pabango niya! Ano kayang perfume niya? Mukhang mamahalin. Amoy big time e.
Paulit ulit akong napapapikit dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ba kasi ganito! Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ang hirap hirap tuloy mag focus!
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
