"Sis? Okay ka lang ba?"
Nakatingin lang ako sa salamin nang mag salita si Rye. Tumagal ng isat kalahating oras ang pag aayos niya sa akin dahil nahirapan siyang takpan ang eye bags ko. Hindi ako nakatulog buong gabi kaya hinang hina din ako.
Pagkatapos ng kasal nina Olive ay hindi na ako nagkaroon ng maayos na tulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay sila pa rin ang nakikita ko. Hindi maalis sa isip ko ang babaeng naka upo sa wheelchair. Hindi rin maalis sa isip ko na masaya pa rin sila kahit na nawala ako.
Nakatingin lang ako sa salamin habang hinahayaan ang lahat ng mga naiisip ko na lamunin ako. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko nanaman alam kung paano mag patuloy. Wala akong ganang makipag usap kahit kanino. Lagi lang akong nasa unit pag walang photoshoot at kapag nasa studio naman ay hindi ko magawa ng maayos ang mga pinagagawa sa akin, dahil parang bigla ako nawalan ng gana sa lahat.
Napayuko ako sa vanity table ko nang maisip na kailangan ko nanaman mag panggap na okay ako dahil mayroon akong trabaho. Napakasama at napakabigat ng nararamdaman ko pero alam kong kailangan kong kumilos. Kung pwede lang manatili rito sa loob, ginawa ko na, pero marami pa akong bookings na kailangang puntahan at hindi ko pupwedeng takasan. At alam ko rin na hindi ko na pwedeng takasan ang bagay na alam kong sumira sa akin. Ang pamilya ko.
Kinailangan kong ayusin ang sarili ko kahit sa pananamit at itsura man lang, para hindi nila mahalatang wasak nanaman ako. Hindi maayos ang puso at utak ko. Inalalayan ako ni Rye palabas ng unit dahil ilang araw na akong nag lalakad na nakatingin lang sa sahig. Natatakot akong baka makita ko nanaman sila.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
