"Aray ko!" Napainda siya nang hampasain ko siya sa braso. "Bawal ka ba mamiss?"
Sinamaan ko siya nang tingin habang si Rye ay ngiting ngiti sa amin. Hinatak ko din agad si Ethan papasok sa apartment namin. Pinaupo ko siya sa may sofa at tumayo sa harapan niya.
"Bakit dito ka mag babakasyon? Bakit hindi ka sumama kila Archie sa Japan?" inis na tanong ko
Nakatulala lang siya akin habang nakangiti. "Ang ganda mo pa din kahit galit,"
"Pwede ba? Seryoso ako! Bakit bigla kang pumupunta dito? Paano mo nalaman na dito ako naka stay?" pagpapatuloy ko sa mga tanong ko.
Kinamot niya ang noo niya habang nag iiwas ng tingin sa akin. Napailing na lang ako sa kaniya at pumunta sa kwarto ko para makapag-palit ng damit. Nang makabalik ako ay nag tatawanan na sila ni Rye roon sa kitchen area.
"Wala ka man lang pag alok ng tubig bago mo ako pagalitan." sabi niya sa akin pagkadating ko sa harap nila. "Wag ka na magalit... I'll just stay here for a weeks and I'll go home at the end of holiday. Wala kasi akong nabook na apartment malapit rito, kaya kinausap ko si Rye."
BINABASA MO ANG
Dream
RomansaHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
