12

344 11 2
                                        

"Guys... nakawin ko lang to saglit ha?"










Naka-akbay sa akin si Ethan nang sabihin niya yon sa mga kaibigan namin. Nag lalaro pa rin Yara pero beer pong naman ang naisip nilang gawin. Hindi naman ako umiinom kaya buti nalang inaya ako ni Ethan na mamasyal. Lumabas kami agad ng bahay at pumunta sa benz niya.












"Be careful ma'am." He said, inaalalayan niya nanaman akong makasakay sa loob ng kotse niya.












Hindi ko na siya tinanong kung saan kami pupunta, hinayaan ko na lang siya sa naiisip niyang trip. Nag patugtog pa siya bago mag simulang mag drive. Hindi naman na ako naiilang sa kaniya kaya nakatuon lang ako sa daan habang nakikinig ng music. Minsan ay sumasabay siya sa kanta tapos biglang titingin sa akin at ngingiti. Napapangiti na din tuloy ako dahil nakakahawa siya.













Wala pang isang oras ay huminto na siya sa tapat ng isang beach resort. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at inalalayang bumaba. I was confused. Kinakabahan din ako dahil malayo pa lang kami nakita ko na agad ang pang-fine dining na set up sa gitna ng buhanginan.












There was a table for two on the sand, may mga kandila din at flower petals kaya mas lalong gumanda ang atmosphere. Nang nakalapit na kami sa table, hinila niya ang isang upuan at inalalayan ulit akong umupo roon. Ilang saglit pa ay may lumapit na dalawang server sa amin. Ang isa may hawak na trolley ng pagkain, ang isa naman ay may hawak na wine at mga bulaklak.












"Flowers for a beautiful girl." He said while smiling at me. Iniabot niya rin sa akin ang bulaklak na isang tumpok na red roses.













"Anong kacorny-han to?" I asked him.













"It's a date." He answered.












Tinarayan ko tuloy siya. "Bakit walang tao?"












"Special date..."












"Nirentahan mo to?" seryosong tanong ko, hindi makapaniwala na gumastos siya para rito.












"Kay Mommy tong place... Isa to sa napundar niya." sagot niya, nakahinga din ako ng maluwag. Pinapanood ko na siya ngayon habang hinihiwa ang steak na sinerve sa amin.













"Si Dad lang ang nag parenovate... Private beach resort na siya ngayon." sambit niya pa. Kinuha niya rin ang platong nasa harap ko tapos ipinalit roon yung steak na hiniwa-hiwa niya kanina.












We started eating and talks random things. Somehow, I felt great talking to him, having a conversations with him calms me. Siya yung tipo ng taong magaling makinig at magaling din mag bigay ng opinyon.












"Mom died on my seventh birthday... It was a car accident." pagkukwento niya na talaga namang ikinagulat ko.











DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon