"May kasama si Kisses, ako ang nag imbita na sumama satin." sabi agad ni Tita Candice pagkadating sa loob. Inalalayan pa siya ni Tita Candice na umupo. Nakakahiya talaga!
"Good evening po," bati agad ni Ethan habang nakangiti sa pamilya ko. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mommy, habang ang mga kapatid ko naman ay nakatingin lang sakaniya. Mukhang namumukhaan dahil sikat nga ang banda nila sa school. Ang Daddy naman nakatingin lang sa menu board at wala man lang imik.
Nasa gitna namin siya ni Tita Candice at nasa kanan ko naman si Hershey. Tahimik ang lahat habang isiniserve ang pagkain. Ramdam ko ang awkwardness pero dahil kay Tita ay nawawala din yon. She's helping me to serve Ethan a food. Silang dalawa lang ni lola ang tumutulong sakin sa pag-asikaso sakaniya.
"Tagasaan ka?" napatingin ang lahat kay daddy nang mag salita ito habang nakatingin sa hinihiwang roasted chiken.
"Si Ethan ba kuya Mikko?" tanong ni tita candice.
"Siya lang naman ang hindi ko kilala sainyo e," hindi ko alam ang irereact ko ng sabihin yon ni daddy. Tumaas tuloy ang mga balahibo ko!
"I stayed in Manila sir," magalang na sagot niya. Hindi ko man lang maramdaman na kabado siya. "I just came here for some personal matter."
"What matter is that?" sunod na nag tanong si tita.
"School related po," he answered.
"Uuwi ka na din mamaya? Dito ka na mag stay, sumabay ka na sakanila bukas paluwas ng Manila." suggestion ni Lola Caramel.
"Oo nga, stay here na. Ipapaayos ko na ang room mo." sabi pa ni Tita Candice, mukhang excited pa. Ako nalang ang nahihiya para sa mga magulang ko dahil sobra ang pag-aasikaso nila tita kay Ethan.
"Ngayon lang nagdala ng lalaking kaibigan si Kisses, kaya I doubt na kaibigan niya lang yan." malaking boses ni Daddy ang nagpatahimik sa lahat. Nakatingin na din siya nga kay Ethan.
Kinakabahan ako pero tama naman siya, hindi ko naman kaibigan lang si Ethan. Manliligaw ko siya at sana naman wala siyang nakikitang mali dahil wala naman kaming ginagawang masama. At kung maiisip niya na makakasira yon ng pag-aaral ko, malabong mangyare yon dahil magaling din si Ethan sa school. Mas may pangarap pa nga ang lalaking to kesa sakin e!

BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...