The days passed by, ganon lang kabilis at natapos na ang midterm. Proud talaga ako sa sarili ko dahil kahit na pepressure, e nagagawa ko pa din higitan ang grades ko. Im still running in latin honors at kalat na sa department namin na ako ang may pinakamataas na grades.
I didn't tell my parents about that. Para saan pa? Wala rin naman akong maririnig na papuri sakanila. Nasanay naman na ako na lagi silang ganon. Pero syempre minsan hindi porket sanay ka na, e hindi mo na iindahin yung sakit. Magaling lang talaga ako magtago ng feelings pagdating sakanila.
Kahit naman pakiramdam ko na kulang ako sa pagmamahal ng pamilya, e sobra naman ang binibigay sa aking pagmamahal ng mga kaibigan ko. Dumagdag pa sa pagmamahal na iyon si Elijah. Mas naging okay kami. Mas naging close kahit na nasa process pa rin kami para kilalanin ang isa't isa.
Si Mommy palang naman ang nakakakilala sakaniya at kung may alam man ng mga kapatid ko ay wala rin naman silang pakialam. Hindi ko rin inaalala si Daddy dahil mukhang wala naman siyang pakialam. Tsaka kailan ba sya naging curious sakin?
"Maaga kang umuwi, wag mo na muna ako ihatid. Unahin mo muna ang dapat mong gawin." Sabi ko kay Elijah, nasa parking lot kami at dismissal na ng klase.
"Ihahatid kita. Hindi ako papayag na mag commute ka ng mag isa, buti sana kung kasama mo si Yara." Seryosong sabi niya.
"Wag na nga sabi." Pag iinarte ko pa. Inaalala ko lang naman siya dahil alam kong kailangan niyang umattend ngayon sa flying school.
"Ihahatid kita... atsaka matagal ko ng pinag-iisapan na magpakilala sa pamilya mo. Mommy mo palang ang nakakakilala sakin e. Hindi pa nga formal yon." Ningusuan niya pa ako. "But if you're not comfortable with that, okay lang din naman sakin."
I sighed as I realized that he was really serious about me.
"Sa video call lang available si Daddy kasi nasa Spain and weekend lang siya available... Just give me time, okay?" Sambit ko. He just smiled at me and nodded.
Pero sembreak na hindi pa rin ako nakakapag-decide tungkol sa pagpapakilala niya sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit ba ganito at hirap akong mag sabi sa pamilya ko kahit na nasa malayo naman si Daddy. Napapikit tuloy ako nang maramdamang may kumurot sa dibdib ko. Ito nanaman yung feeling.
Pakiramdam ko nasasakal ako sa pamilyang to. Umiiyak nanaman ako dahil pakiramdam ko nanaman isa akong disappointment at parusa sa akin ang ginagawang treatment ni Daddy. I always feel unwanted on this house.
Hinayaan ko ang sarili na umiyak ng umiyak habang kinukumbinsi ang sarili na marami namang nag-mamahal sakin. Na hindi ko kailangan maging malungkot dahil lang sa wala akong magandang relasyon sa pamilya ko. Pero maiiyak ulit ako pag naaalala ang mga kaibigan ko. Buti pa sila. They have a good relationship to their family.
Paano ko ipapakilala si Elijah sa pamilya ko, e sarili ko ngang pamilya parang hindi pa ako kilala.
I woke up to Elijah's missed call and text message. He just greeted me a good morning at nag sabing pupunta siya sa Gym kasama si Archie.
Bumaba ako sa kitchen kahit na mabigat ang mga mata ko. Masakit din ang ulo ko dahil sa kakaiyak. Nasa kwarto pa ang mga kapatid ko kaya si Mommy ang bumungad sakin. Routine na namin to every weekened na sabay sabay kumain habang naka video call kay Daddy. Sa ganitong paraan nila sinasabing kumpleto kami, kahit na pakiramdam ko hindi ako parte non.
"What happen on your eyes? Bat nanamaga?" Mom asked me.
"Puyat lang po."
"Pinupuyat ka ng lalaki mo?"
I don't think that she is concern, mas naramdaman ko ang pagiging sarcastic niya sakin. I just smiled, realizing that sometimes she doesn't know how to choose a right words to me. Kaya ayun, iintindihin ko nalang.
"No Ma, nag basa po ako ng libro hindi rin po ako makatulog kagabi." Wews. White lies.
Nang makumpleto kami, tinawagan na ni Mommy si Daddy. Kahit na malayo siya samin ramdam ko pa din ang unfair treatment niya sa aming magkakapatid. Ganon naman diba? Pagmahal ka nila mararamdaman mo yon, pag hindi naman mas lalo mong mararamdaman yon.
Tahimik nanaman akong kumakain habang pinakikinggan si Daddy na batiin at puruhin ang mga kapatid ko. Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala man lang tanong sa akin kung kamusta ba ako.
Bakit pa ba ako nag rereklamo?
Tumayo agad ako pagkababa ng tawag kay Daddy at nag paalam sakanila na aakyat na. Sumabay sa akin si Hershey dahil inaantok pa daw siya. Bago ako pumasok sa kwarto hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Okay ka lang ba ate? I know this is weird kasi obvious naman na hindi." Sabi nya sakin at ngumiti lang bago ako talikuran at naunang pumasok sa kwarto niya.
Yun na yon. Ganon naman talaga ako kausapin ng mga kapatid ko. One word, one sentence. Isang tanong, isang sagot. Nasanay na ako na ganon dahil hindi naman talaga kami close magkakapatid. Pero hindi rin naman kami magkaka-away, hindi rin ako galit sakanila. Ganito na talaga kami kahit nung mga bata pa. Nakalakihan na namin na hindi kami sanay na kausapin ang bawat isa.
Humiga ulit ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nasa maayos akong lugar, nasa magandang pamumuhay pero pakiramdam ko may kulang. Itong bahay namin dapat punong puno ng saya at pagmamahal dahil kontento naman kami sa buhay na meron kami ngayon. We are actually living the life that others can't have. Pero hindi e.
Totoo talaga na walang perfect sa mundo. Totoong unfair ang buhay. Ito yung tahanan na hindi ko masabing tahanan. Because all I can feel is pain. It feels like I was in a prison cell. Oo mayroon akong magandang buhay, pero hindi naman non nabibili ang pagmamahal na galing sa magulang, na galing sa tinatawag nilang pamilya.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...