The next day, I went out early to buy flowers for Yara. I also bought sunflower because of its color. Yellow symbolize for friendship, happiness, positivity and hope.
Nauna akong pumunta sa sementeryo kung saan ililibing si Yara. Nahukay na yong spot niya pagkadating ko roon. Nakatingin lang ako sa spot niya na yon habang dinadama ang sakit sa puso ko. Hanggang ngayon hindi pa rin sakin nag sisink in na mangyayare to sa best friend ko.
Nang palubog na ang araw, dumating na sila Olive at Anya. Lalong kumirot ang puso ko ng makita ang casket ni Yara na dinadala ng apat na lalaki. Kahit kailan ay hindi ko naisip na hihintayin ko ang pag dating ng mga kaibigan ko sa ganitong paraan.
When the ceremony started, nag salita sa gitna si Tita Ysa at si Olive. Pinapatayo nila ako pero hindi ko kayang mag speech para kay Yara sa ganitong paraan. Nakikinig lang ako sa bawat taong nag sasalita para sakaniya at inaalala ang mga araw na nandito pa siya. Hindi ako umiyak pero noong sinabi sakin ni Tita Ysa na silipin ko na si Yara bago siya ibaba, I almost broke down.
Nanginginig akong lumapit sa casket niya, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero mas nangingibaw don ang sakit. I walked towards her and for the last time... I saw her face. Her eyes was closed but she looked so peaceful. Sunod sunod tuloy tumulo ang luha ko.
"I love you, Yara." I whispered, touching her face through the glass barrier. She looked so pretty. She's smiling and at peace. Napakaaliwalas ng mukha niya na para bang masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.
I bit my lower lip as I watched them close the casket. Humagulgol ako sa sakit ng puso ko habang pinapanood kong ibaba siya. Before I threw the last flower, I looked up to the sky and think of her beautiful smile.
"I'll be better, promise." I whispered.
I will do better to live. Not for other people but for myself... Because I know it was also what she wanted for me. Yara would want me to keep going.
After the ceremony, nag stay pa kami nila Olive sa sementeryo kahit gabi na. Nag kukwentuhan kami katulad ng dati na para bang buhay pa si Yara. Nag tatawanan kami tapos tatanungin namin si Yara kahit wala kaming nakukuhang sagot.
Napatingin ako sa phone ko nang makitang nag message si Ms. Zia ng flight details ko. Ang agency na talaga ang nag asikaso ng lahat para sa pag-alis ko. Okay naman na ako at handa nang umalis. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagong yugto ng buhay ko.
Natatakot ako, oo... Pero kaya ko naman. Kakayanin ko. Sana.
"May sasabihin pala ako." Pagsisimula ko.
"Hmm, ano yon?" Sagot ni Anya. "Yara, makinig ka. May sasabihin si Kisses."
"First, congrats sa atin. Naka graduate na tayo pagkatapos ng napakaraming struggles sa school. Thank you kasi nanatili kayo sa tabi ko. Salamat sa pagdamay sa akin sa lahat..." Tumigil ako dahil naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko.
"Nakakaiyak naman yang speech mo," sita ni Olive habang pinupunasan ang mata niya.
"Gusto ko sana kayong makasama bilang workmates pero... aalis na ako bukas," sambit ko.
Napatayo si Olive nang marinig yon. Napakunot naman ang noo ni Anya. Tumitig sila sakin at halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"San ka pupunta?" sabi ni Olive. Lumapit na siya sakin at kumuha ng upuan at pumwesto sa harapan ko.
"Pupunta na akong New York... alam kong biglaan to, pero okay na rin siguro yon. Fresh start diba?" I smiled at them.
"Teka... Teka lang..." Napahawak si Olive sa ibabang labi niya, halatang nalilito. "Bakit ka pupuntang New York bigla?"
"Tinanggap ko yung offer sakin ng modeling agency." Sagot ko naman. "Olive, hwag mong sasabihin kay Elijah ang tungkol dito. Ayaw ko na rin gulohin pa siya."
"Joke ba to? Bakit agad-agad? Bukas na talaga?"
"Paulit-ulit ka te!" Sinigawan siya ni Anya. "Bukas na nga daw!"
"Alam mo? Mag best friend talaga kayo ni Yara! Parehas kayong mangiiwan!" Panunumbat ni Olive.
Nagtatalo si Olive at Anya dahil sa sinabi ko. Pero kahit na ganon alam kong masaya sila para sakin dahil sa wakas... Pinili ko naman ang sarili ko.
"So, I guess this is goodbye?" Ngumiti si Olive at tumingin sa relo niya.
Natahimik kaming tatlo, hindi alam kung paano magpapaalam sa isa't isa. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Hindi ako sanay na malayo sa kanila dahil sila na ang naging pamilya ko. Kahit nung college ko lang sila nakasama ay halos one call away kaming lahat. Ngayong wala na si Yara, at pupunta na ako sa ibang bansa, hindi ko alam kung paano ko makakaya ang lahat ng wala sila sa tabi ko.
"Mas malala pa to sa long distance relationship," sabi ni Olive. "Hindi ako sanay na kami nalang ni Anya ang mag aasaran dito."
"Pwede namang video call diba?" Malumanay na sagot ko. "Kulang man tayo ng isa, iniwan man tayo ni Yara, ang mahalaga buo pa rin tayo diba? Malayo nga lang ako." I laughed a bit. "Im sorry for leaving like this."
"Sus, di mo kailangan mag sorry kung para naman sa pangarap mo at ikakatahimik ng isip mo. Magiging okay kami kahit wala kayo ni Yara. Magiging okay din tayong lahat, diba Olive?" sabi ni Anya.
Tumango siya nang mapatingin sakin "At alam kong, masayang masaya si Yara sa desisyon mo."
Tuluyan na akong naiyak nang sabihin iyon ni Olive. "Hindi nyo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa inyo dahil nakilala ko kayo, dahil simula noon, hindi na kayo umalis sa tabi ko."
"Parang tanga naman," bulong ni Anya at umiwas na rin ng tingin, naluluha na. "Ang drama naman. Napaka OA ng mga tao na to. Naiiyak tuloy ako..."
"Salamat sa pagpaparamdam sa aking mahalaga ako sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako kamahal mahal. Hindi ko man sinasabi palagi pero, mahal na mahal ko kayo." dagdag ko pa.
"Ah. My favorite people, I love you all so much!" Tumingala si Olive at nag pipigil umiyak. "Maiiyak ako lalo pag niyakap ko pa kayong dalawa. Pucha kasi si Yara e, kung nandito yan ngayon tumatawa na siguro tayo."
Nagyakapan kaming tatlo at sabay sabay umiyak. Nang kumalma na, nag paalam na kami kay Yara at naglakad na papunta sa sasakyan nila Olive.
"Hindi mo talaga sasabihin kay Elijah? Hindi siya natuloy sa pagalis niya, pero deserve naman niya sigurong malaman ang pagalis mo diba?" Tanong ni Olive sakin.
"Para saan pa? Hiwalay naman na kami. Ako mismo nag tapos non." Yumuko ako, nahihiya sakanila.
"Hindi ka ba nanghihinayang? Ganon ganon lang natapos yung inyo?"
"Nanghihinayang, pero nagawa ko na e. Isa yon sa pagsisisihan ko habang buhay."
BINABASA MO ANG
Dream
RomansaHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...