"Good morning,"
Napangiti ako ng makita si Elijah sa harapan ko. Magkatabi kami sa iisang kama at nakatagilid siya habang pinapanuod akong humikab. Pagkatapos ng gabing iyon, sinabi nila Tita Candice kay Elijah na dito na muna ako sa bahay nila mag stay. Hindi rin kasi pupwedeng mag stay dito sa Manila sila Tita, ayaw ko na rin silang abalahin pa. Matanda na ang lola ko at buntis pa si tita.
Mabuti nga at pumayag si Tito Tim na dito muna ako mag stay hanggang sa pag alis ni Elijah. Parang kinurot tuloy ang puso ko ng maisip na bukas na ang flight niya. Kung pwede ko lang siyang pigilan e, pero kahit na alam kong magpapapigil siya ay hindi ko yon gagawin. Ayokong sirain ang plano niya. Gusto ko rin matupad niya ang pangarap niya at ayokong maging hadlang.
"Iniisip mo pa rin ako, kahit nasa harapan mo nako?" Tumawa siya habang nakatingin sakin at nang-aasar. Hindi ko siya pinansin humalukipkip lang ako habang nakatingin sa kisame. "Yiiiie, ikaw ha?"
Natatawa akong humarap sakaniya. "Ang feeling talaga!"
"Crush mo ko?" He laughed again and kissed me on the lips. Niyakap niya pa ako ng mahigpit. Tumawa ako dahil sa sobrang likot niya.
"Umayos ka nga! Ang aga aga, ang landi!" suway ko. Tinignan niya ako ng malungkot atsaka tumayo.
"Mag-eempake na ko, help me please?" He smiled now. Nagpapa-baby nanaman.
Ganon nga ang ginawa namin. Kailangan na niyang mag empake para sa pag alis niya bukas. Inilapag niya ang dalawang maleta sa sahig at binuksan ang closet niya. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko ng maramdaman ang pagbabadya ng luha ko. Inilalabas na niya ang mga damit niya dahilan para kumirot ang dibdib ko. Tumayo ako para tulungan siyang ilagay ang damit niya sa maleta.
"Hey, babalik pa ako dito. Kung makalagay ka naman ng gamit sa maleta parang wala ng balikan dito, e." natatawang sabi niya sakin. Natawa nalang din ako bago kuhain ang perfume niya.
"Akin nalang to ah? Bumili ka nalang ron ng bago." Tumango lang siya sakin at inabala ang sarili sa pag aayos ng damit. Gustong gusto ko ang amoy niya kaya kinuha ko tong pabango. Para kahit malayo siya ay naaamoy ko pa rin. Mas lalo ko nga lang siyang mamimiss.
Habang napupuno ang maleta niya ng damit ay sumisikip na ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman. Tumitingin siya akin atsaka ngingiti kapag nahuhuli ko siya. Hirap na hirap na akong pigilan ang sarili kong umiyak at sa totoo lang pinipilit ko lang magpakatatag para sa aming dalawa.
Napuno na namin ng damit at sapatos ang isang maleta niya kaya sinara na namin iyon. Sabi niya puro pagkain ang ilalagay niya sa isang maleta kaya bumaba kami para pumunta sa pantry nila.
"Wala ka bang mabibilhan don ng filipino food?" takang tanong ko.
"Meron naman, pero para ready na. Hindi na ako maghahanap don."
Kumuha siya ng mga snacks, can goods at instant noodles. Kumuha rin siya ng iba't ibang drinks and sweets. Kulang nalang dalhin niya ang buong pantry nila sa dami ng kinuha niya.
"Grabe, puro ganyan ba ang kakainin mo don ah?" tumaas ang kilay ko dahil sa dami ng kinuha niya. Hindi niya ako pinansin at busy lang sa paglagay sa maleta niya.
Habang pinapanuod siya, iniimagine ko na ang magiging eksena namin sa airport. Ngayon pa nga lang na nag-eempake siya nasasaktan na ako, pano pa kaya pag nasa airport na siya? Baka doon na talaga ako umiyak. Pero syempre pipigilan ko dahil mas gusto kong umiyak nang mag-isa. Baka maging dahilan pa ang pag-iyak ko para hindi siya maka-alis.
"Love, you can stay here ha? Sayo na muna ang kwarto ko habang wala ako." napangiti ako ng malungkot dahil sa sinabi niya. Parang hindi ko yata kayang matulog don ng wala siya.
"Tawagan mo ako agad, pagdating mo ro'n ha?" Sabi ko para mapigil ang luha.
"Kahit hindi mo ipaalala, kusa kong gagawin yan."
Ngumiti lang ako at hindi na siya sinagot. Pagkatapos namin mag empake, kumain kami sa kusina nila. Pinagluto niya ako at kahit bacon and egg lang ang niluto niya parang malaking achievement na yon sakaniya. Naging abala kami sa isa't isa buong araw. Kumain kami ng kumain, nanuod din kami ng movie tapos nag laro ng billiards at nag swimming sa pool nila. Sinusulit namin ang bawat segundo ng magkasama.
Ilang oras nalang ay magkakalayo na kami. Hindi ko alam ang mangyayare pagkatapos non dahil wala naman akong ideya sa pagkakaroon ng long distance relationship. Sa ngayon, pinanghahawakan ko lang ang pangako niyang babalikan niya ako. Babalik siya sakin. Makakaya naman siguro namin kahit malayo kami sa isa't isa. Pinagkakatiwalaan ko din si Elijah. Baka nga sa aming dalawa, ako pa ang bumigay e. Ako agad ang sumuko, pero... wag naman sana.
Nag hahabulan kami sa pool area ng tumunog ang phone ko. Hindi ko pinansin yon dahil sa isip ko, mas importante ang bawat segundong kasama ko ang boyfriend kesa sagutin ang tawag na yon. Mag aaksaya lang ako ng segundo kapag sinagot ko pa yon. Hinayaan ko yon hanggang matapos ang pag tunog. Tawa kami ng tawa ni Elijah habang hinahabol niya ako pero tumigil siya sa pagtakbo ng tumunog ulit ang phone ko. Lumapit siya sa lamesa para icheck iyon.
"Love, si Yara. Sagutin mo na," Kinuha niya ang phone ko at iniabot niya yon sakin. Wala na nga akong choice kundi sagutin yon. He hugged me on my back while Im answering the phone.
"Hello?" nakangiting bati ko. Pero bigla akong kinabahan ng marinig ang boses ni Anya sa kabilang line.
"Naririnig mo ba ako? Yara's in the hospital... nasaan ka ba? Emergency to, she's critical!"
"W-what?" parang nawala ako sa sarili saglit. Hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya. Naguguluhan din ako dahil alam kong magkakasama sila pero papaanong nasa hospital si Yara?
"Kisses?! Nakikinig ka ba? Asan ka? We need you here, please!"
"N-na kila Elijah a-ako," nakatutula pa rin ako. "A-ano bang nangyayari?"
"Just go here!" Namatay na ang tawag at parang tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko.
"What happen?" Tanong agad ni Elijah sakin.
"We need to go to hospital..." nanginginig ako ng magsalita. "Yara's in critical,"
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...