"Kamusta ang pag aaral niyo?"
Tahimik kaming lahat sa hapag kainan nang mag salita si Daddy. Kakauwi niya lang galing Spain. Isa siyang head engineer doon at nabigyan ng malaking project. Ang mommy naman mayroong flower shop sa lugar namin at maganda naman ang negosyo niyang iyon lalo at nakikila na ang shop niya. Maayos naman ang buhay namin. Mayaman kami pero hindi naman sobra.
"Okay naman po Dad," Sagot ni Ate Reese. "Kayang kaya maka graduate this year!"
"That's good. I like the possitive energy." Dad compliment on her. "How about Hershey?"
"Okay din Dad. Hindi pa naman ako nahihirapan sa acads" Nakangiti lang si Hershey.
"Kahit naman mahirap kaya mo pa rin." Dad replied to her.
"Ako Dad, running for latin honors." Nakangiting sabi ko kahit hindi niya ako tinanong. And he just nodded at me.
One thing about my father, he has favoritism at obvious naman na hindi ako iyon. Isang taon lang ang agwat naming magkakapatid at simula bata palang kami ramdam ko na, na hindi ako ang paborito niya. Mas gusto niya ang humor ni ate Reese dahil kuhang kuha niya ang ugali ni Daddy. Tuwang tuwa nga siya na ang kuhaing kurso ng ate ay engineering. Hindi pa man nakakagraduate ang ate ko sigurado na ang magandang career na nag hihintay sakaniya sa Spain.
Si Hershey naman, Psychologists. Favorite siya ni Daddy dahil bukod sa bunso, kuhang kuha niya naman ang feature ni Mommy. She's the little Candy on this family. Kaya lahat ng atensyon nasa kanya. Sabi nila pag bunso daw kailangan ingatan at protektahan.
And me? Hindi ko alam. Maybe Im just a middle child on this family. The forgotten child that no one thinks about. Ang anak na walang karapatan mag desisyon sa buhay. Yan ang tingin sakin ni Daddy. Ultimo kurso ko siya pa ang nag desisyon. I hate my course, actually. Hindi ko gusto ang accountancy. Siya ang namili dahil makakatulong daw sa business ni Mommy. Ang plano kasi niya after my studies, ako ang mag papatakbo ng io-open nilang branch. Kahit na ayaw ko wala na akong nagawa. Okay na rin iyon at least pinag aaral niya ako diba? Okay din ang allowance ko, maganda rin ang bahay na tinitirahan ko at nakukuha ko pa ang mga gusto ko.
"Make sure you'll end up having cumlaude. Baka mamaya yang pag hahanap mo ng model agency ang atupagin mo. May usapan tayo after your studies." Sagot niya sakin na nag pakirot lang sa damdamin ko.
"Mikko, hindi ba dapat hayaan naman natin si Kisses sa gusto niya?"
Parang maluluha ako ng marinig si Mommy. Strict siya pero pantay ang tingin niya sa aming magkakapatid. Pero syempre madalas ay wala rin siyang nagagawa sa desisyon ni Daddy. Wala siyang paborito samin dahil wala naman na siguro siyang time para sa ganon. Ang oras niya ay palaging nasa business niya kaya minsan niya lang kami maasikaso.
"Ang alin, Candy? Ang maging model? Wala pa ngang tumatanggap na agency diyan. Mas okay ng mag focus muna siya sa pag aaral niya. Wala siyang mapapala sa pag momodel na yan."
I bit my lower lip when he said that. Palagi naman niyang sinasabi na wala akong mapapala sa pangarap ko. Wala rin naman akong karapatan mag reklamo dahil wala pa akong napapatunayan.
Pagkatapos kumain umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang wallet at cellphone ko. Pagkatapos ay dumiretso ako sa garahe at sumakay sa kotse ko. Gusto kong libangin ang sarili ko kaya naisipan kong mag drive kahit hindi ko alam kung saan ako patungo pero bahala na.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...