26

299 10 2
                                        

"Kita kita na lang sa bahay. Ingat kayo ha!"









Pinanuod muna namin sina Olive na makaalis bago kami pumasok sa benz ni Ethan. Nag-aya kasi si Olive na mag inom sa bahay nila dahil naguguluhan siya sa mga estudyante sa bar area. Pumayag naman ang mga kaibigan ko na sa bahay na nila ituloy ang inuman, para daw pagka nalasing diretso tulog na. Kasama nanaman namin sina Archie at ang dalawa nilang kabanda kaya dito na ako sumakay sa sasakyan ni Ethan. Mabilis lang din kami nakarating sa bahay nila Olive. Ethan turn off his engine before he unbuckle my seat belt. Amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya kahit na pawisan siya kanina.







"Ano iinumin natin?" tanong agad ni Yara pagkaakyat namin sa rooftop nila Olive.







"May cuervo kami, goods na ba yon?" sagot ni Olive. Kumindat agad si Yara sa kaniya pagkatapos nag thumbs up pa.












"Kaya mahal na mahal kita Olivia, e!" sabi pa ni Yara.











At dahil hindi naman ako umiinom, sumama na lang ako kay Olive na bumaba para tulungan siyang kuhain ang mga kailangan nila. Sumunod din si Ethan sa amin para daw may taga bitbit. Dumiretso kami sa pantry nila at gulat na gulat ako sa dami ng candies. As in parang candy corner ang itsura. Parang mas marami pa ngang candies sa bahay nila kaysa sa mga pangunahing pagkain e.













"Olive may strawberry kayo?" tanong bigla ni Ethan sa pinsan.












"Meron... 500 per kilo,"












"Mahal naman?!"








"Mahal mo naman si Kisses e, diba?" napangiti mag isa si Ethan dahil sa sinabing yon ni Olive. Pakiramdam ko tuloy namumula na ako.








"Pahingi ako ah? Gagawan ko ng drink ang baby mahal ko." sabi niya at ngumiti pa sa akin.












"Ay maganda!" puro pang aasar tuloy ang ginawa ni Olive sa akin dahil sa mga cheesy lines ni Ethan. Sinusuklayan niya pa ang buhok ko at paulit ulit sinasabi na maganda ako. 





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon