32

258 10 2
                                    

"Congratulations! You've made it on the top. Im sure you're parents will be proud of you."



Napangiti nalang ako ng sabihin sa akin na ako ang Summa Cum Laude sa department namin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ang magulang ko roon, dahil nasanay na akong walang naririnig sakanila kapag nakakatanggap ako ng mataas na parangal. Lumabas ako ng opisina na parang wala akong natanggap na magandang balita. Dumiretso nalang ako sa mga kaibigan ko sa cafeteria at laking gulat ko ng makita silang naka upo sa ibabaw ng lamesa at may hawak na tarpaulin at cake. Naka sulat sa tarpaulin ang malaking 'congratulations and we're proud of you', na hawak hawak ni Olive at Yara.



"Ano to?" Natatawang sabi ko ng makalapit ako sakanila. Hinihintay ko silang mag salita pero may lalaki nalang na biglang sumulpot mula sa ilalim ng lamesa.


"Congrats, love! Sabi sayo ikaw ang Summa Cum Laude, e!" Nakangiting sabi ni Elijah na may dala pang bulaklak.


"Alam nyo?" gulat na tanong ko. "Teka bat andito ka? Sabi mo nasa flying school ka?" Baling ko agad kay Elijah.




"Bago pa kayo umalis papuntang Bora, alam na namin." Yara revealed it.




"And surprised! Im here! Wala ako sa flying school!" Elijah laughed.




Hindi ko tuloy maiwasang maiyak. It was tears of joy dahil ngayon lang nag sink in sakin na nakuha ko yung spot na apat na taon kong pinag hirapan. Hindi ko gusto ang kursong kinuha ko pero nagawa ko pa rin. Ngayon ko naramdaman yung pagod at hirap sa pag-aaral. Ngayon ko rin masasabing proud ako sa sarili ko kasi ang daming beses kong umiyak ng palihim, at sumuko ng paulit ulit pero nandito pa rin ako. Nandito ako sa tagumpay na to kasama ang mga taong totoong nag mamahal sakin.



"Love, pinapapunta ka ni Dad sa bahay, for short celebration lang." Elijah speak up to me.


"Tangina, tanggap na tanggap ng pamilya mo si Kisses ah? Okay yan. Ako maid of honor ha?" sabi ni Yara habang nakangiti samin. Sa tuwing makikita ko si Yara naaalala ko na yung gabing nakita niya kami ni Elijah.


"Kahit ninang ka pa, Yara." sagot sakaniya ni Elijah na nag patawa sa mga kaibigan ko.



"Ginawa mo naman akong matanda! Pag ako namatay dadalawin kita gabi gabi hanggang sa isang taon kang walang tulog!"




"Ang OA, Yara!" si Olive. Inakbayan pa si Yara at sapilitan sinubo ang cake sa bibig niya. "Sabay tayong tatanda lahat! Magkakasama na tayo habang buhay!"




I was teary eyed while watching them. Sila ang kasama ko sa hirap at saya. At masaya akong naiisip nilang kami kami pa rin ang magkakasama hanggang sa pag tanda. Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko, sa totoo lang. Hindi ko masusurvive ang college life nang wala sila.



"Sasabihin mo ba yan kila Tita?" biglang tanong sakin ni Yara nang ihatid niya kami ni Elijah sa parking lot.




"Hindi ko pa alam." sagot ko. Ngumiti siya sakin at bigla nalang akong niyakap.




"Im always proud of you," sabi niya pa habang tinatapik ng marahan ang likuran ko. "Ito na yung time na... sarili mo naman ang sundin mo. Hindi masamang abutin ang pangarap, Kisses."




She looked at me and smiled again. Para ko na siyang kapatid kaya ang marinig yon mula sakaniya ay nakakagaan ng loob. Baka nga tama siya. Na this time ako naman. Sarili ko naman ang sundin ko at oras na para tapusin ang pag sunod sa kagustuhan ng Daddy ko. Hindi naman masama iyon diba? Ang pagbigyan ang sarili ko lalo na at alam kong gustong gusto ko naman gawin ang bagay na yon.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon