25

269 8 3
                                    

"Bakit may ball night nanaman, Sir?"




Pag rereklamo ng mga classmates ko nang ideklarang may gaganapin na ball night para sa valentines day. Lahat sila ay nag rereklamo dahil gastos namaman daw, graduating na nga kami.



"Swerte niyo nga e, kayo  lang sa batch niyo ang may ganyan. Pwede niyo naman suotin ulit ang mga damit niyo nung students ball night, tsaka sa gymnasium lang ang venue. Kayong mga graduating students lang din ang kasali." Pagpapaliwanag pa ng adviser namin.




Ayun naman pala, para saming mga graduating lang yung event. Ganon nalang siguro ang gagawin ko. Isusuot ko nalang ulit yung gown ko nung nakaraan para hindi na bumili ng bagong damit. Saglit lang naman gagamitin.




Nag aayos na ako ng gamit nang lumapit sakin si Yara at Olive. Absent si Anya ngayon kaya kaming tatlo lang ang pupunta sa canteen.




"Hassle naman, pano tayo makakapag focus sa finals nyan, e kung lahat tayo excited na next week?" pagrarant ni Olive habang pababa kami ng hagdan.




"Buti nga walang gastos e, recycle out fit lang. Tsaka biglaan, kaka-announce lang tapos next week na agad." sagot sakaniya ni Yara na naka hawak sa braso ko.




Hindi na ako nag salita tungkol sa usapan nila dahil okay lang naman sakin kahit ano. Gusto ko nalang enjoyin ang lahat sa school dahil next year wala na kami dito.




Umupo kami agad nang may makitang bakanteng lamesa si Olive. Siya na rin ang umorder ng pagkain namin dahil sabi niya ay libre niya. Maraming estudyante sa canteen ngayon dahil lunch break, buti nga at nakakita agad si Olive nang mapupwestuhan kaya hindi na kami nahirapan.




"Kamusta sa bahay niyo? Nalaman ba nilang sinasaktan mo ang sarili mo?" tanong bigla ni Yara. Marahan akong ngumiti sakaniya bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya.




"Syempre hindi. Wala rin naman akong balak ipaalam pa yon." tsaka dalawang linggo na din ang nakalipas, kaya okay na yon. Wala rin naman mangyayare kung malalaman pa nila.





Tsaka para saan pa para malaman nila yon? Simula din naman nang bumalik si Daddy sa Spain, naging busy na ulit si Mommy sa shop. Si ate Reese at Hershey naman, lagi na ulit naka kulong  sa mga kwarto nila.




"Bat hindi mo sabihin? Nagkakaroon ka ng panic attack tapos sila yung trigger. Dapat malaman nila."




"Ayoko. Hindi na kailangan, tsaka okay naman na ako. Isang beses lang naman nangyare yon." umayos na din ako ng upo ng makita si Olive na pabalik na samin.




"E pano kung maulit? Tapos lumala? Buti nalang talaga pinuntahan ka ni Ethan. Kasi kung hindi? Nako day, kwento ka nalang ngayon. Masasabihan ka talaga ng 'mabait na anak yan'."  sabi pa ni Yara bago tumayo para tulungan si Olive.





Parang may kumalabit tuloy sa puso ko ng marinig ang pangalan ni Ethan. Pagkatapos ng gabing yon mas naging extra caring na siya sakin. Kahit na busy siya at hindi tugma ang schedule namin palagi pa rin siyang gumagawa ng paraan para magkita kami. Palagi rin niya akong tinatawagan para kamustahin. He always make time and effort just to show his love for me.




"Walang salad te. Mag pasta ka nalang muna, bukas ka na mag diet." inilapag ni Olive ang carbonara sa harap ko. Binigyan niya din ako ng tinidor at tissue. May inorder din siyang chiken wings at mango shake samin.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon