29

265 9 3
                                    

"Pinag uusapan niyo ba ako?"




Lumapit samin si Elijah. Niyakap niya si Tita Ca bago lumapit sakin at hinalikan ang noo ko. Kung totoo ngang matagal na niya akong gusto, napakaswerte ko pala talaga kung ganon. Matagal ko nang hinahanap ang ganitong klaseng pagmamahal at hindi ko inaasahan na sakaniya ko lang pala matatagpuan yon.




Sandali akong natulala sakaniya ng maalala ang pag alis niya. Hindi ko naman siya pipigilan dahil alam kong nakakabuti para sakaniya yon. Gusto ko rin maabot niya ang pangarap niya. Gusto kong makita siyang mag tagumpay sa buhay. Hindi ko lang maiwasang maging malungkot dahil sa sandaling panahon na magkasama kami nasanay na akong palagi siyang nandyan sa tabi ko.



"Thank you for loving my son," Tito Tim reached to my hand, "and welcome to the family, Kisses."



"You're always welcome here ha?" Tita Ca encourage me. "Bisita ka dito pag may time ka."




Hindi ko napigilan maiyak dahil sakanila. Im just so happy. For the first time in my life, Im finally part of the thing called 'Family.'  Ganito pala ang pakiramdam magkaroon ng ganon, ganito pala ang pakiramdam na tanggap ka sa isang pamilya.




Pagkatapos ng araw na yon ay madalas na akong inaaya ng parents niya na pumunta sakanila para mag lunch o kaya naman mag dinner. Hindi naman sila mahirap maging close kaya naging madali sa akin ang makasundo sila.




We were at their private beach resort kung saan ako dinala noon ni Elijah. Kasama namin ang ilang relatives nila and they were all kind. Kaarawan kasi ngayon ng legitimate mother ni Elijah kaya narito kami upang icelebrate yon.


Nasa tapat kami ng dagat, hinahayaang mabasa nang kaunti ang aming mga paa. Naka akbay siya sakin habang parehas kaming nakatingin sa malayo.





"Are you... sad?" maingat na tanong ko. He stared at me and I let myself drown in his deep eyes. Slowly, he embraced me at hinalikan ang noo ko.



"Siguro kung wala ka, oo. Pero ngayong nandito ka? Hindi na." he smiled at me. "Ganon ang epekto ng pagmamahal mo sakin. You always make me happy,"




I almost cried because of that. Buti nalang at tinawag kami ng mga pinsan niya. Pumasok kami sa loob at inuutusan nga nilang kumanta si Elijah dahil may videoke silang nirentahan.





"Isa lang ha?" halatang napipilitan siya.




"Hindi ka pa sikat, suplado ka na agad!" Pang aasar sakaniya ni Olive.




Kinuha  niya ang song book para makapili siya ng kakantahin. Si Olive naman ang nag type ng numerong kakantahin niya. Intro palang lahat sila napapasabay  na sa kanta dahil sa ganda ng boses niya.




"Cause this angel has flown away from me. Leaving me with drunken misery... I should have clipped her wings and made her mine for all eternity..."





Habang pinanunuod ko siyang kumanta, nakikita ko sa mga mata niya ang pangungilila sa isang ina.  Alam kong para sa Mommy niya iyong kanta kaya kahit pinapanuod mo lang siya, mararamdamam mo agad ang nararamdaman niya. Nang matapos siya ay humihirit pa ang mga pinsan niya ng isang kanta pero hindi na niya pinag bigyan. Tumabi na siya sakin at umaktong walang naririnig.




"Nung pasko bukambibig ka niyan," sabi ni Red, kapatid ni Rico. "Gusto niya na raw umuwi kasi malungkot ka."


"Oo nga, nag mumuryot kay Tito Tim, kaso sermon ang inabot dahil minsan na nga lang makita sila lola, nag aaya pang umuwi." Panlalaglag pa ni Sevi.




Tinakpan ni Elijah ang tainga ko para hindi ko sila marinig pero dahil sa lakas ng boses nila, natatawa nalang ako dahil grabe sila kung asarin ang pinsan.




"Don't listen to them. Sinisiraan lang nila ako sayo," he convinced me. Nakanguso pa sakin.




"La? Pa-baby si Elijah, gagi! Kala mo nag bibinata palang e." Pang aasar pa ni Olive.



Natahimik lang sila ng lumapit samin si Tito Tim at umupo din sa sofa kasama namin. Kahit na may edad na ang daddy niya ay gwapo pa rin naman. Siguro nga ay ganyan din ang itsura ni Elijah pag tumuntong siya sa ganyang edad.





"Tito, okay ba sayo na si Kisses na ang papakasalan ni Elijah?" random na tanong ni Kuya Rafa. Napayuko tuloy ako dahil sa hiya.





"Oo naman, kung okay din kay Kisses," sagot ni Tito Tim. "Kung saan naman sila masaya, nakasuporta ako e. Diba anak?" Binalingan niya ng tingin si Elijah.





"Papakasalan ko si Kisses pag naging piloto na ako at naging model na siya." nag tilian ang lahat dahil sa sagot niya.





Hindi ko tuloy mapigilan ang pag ngiti ko. Alam kong marami pa kaming pagdadaanan at wala pang kasiguraduhan ang relasyon namin. Pero masaya pa rin ako dahil mayroon siyang plano para samin.




"Pwede ka pang umatras, Kisses."




"Oo nga pala aalis na din yan. May makikilala yang foreigner don!"


"Hindi ako ganon, love!" Elijah embraced me while  I was laughing with his cousins. "Sinisiraan talaga nila ako."




Matagal pa kaming nag kwentuhan. Kung anu ano lang ang naiisip naming pag usapan. Minsan seryoso pero mas madami ang nakakatawa. Nang inantok na ang lahat sabay sabay na nag akyatan ang mga pinsan ni Elijah. Maaga rin kasi luluwas ng Maynila bukas dahil dadalawin naman namin ang puntod ng Mommy niya.





"Hindi pa tayo aakyat?" tanong ko dahil kami nalang ang natira sa baba.


Inihilig niya ang ulo sa balikat ko. His breathing was deep and calm. Sandali kaming natahimik at pinakikiramdaman ang isa't isa.


"Namimiss ko si Mommy," malungkot ang boses niya ng sabihin niya yon. "Okay na siya diba? Masaya na siya don kahit mag isa lang siya?"


"Masaya na siya don at mas maayos ang kalagayan niya." pag comfort ko. Hinaplos ko pa ang mga buhok niya.


Nagulat ako ng biglang umayos ng upo si Elijah at hinawakan ang mga pisngi ko. Marahan niya akong hinalikan atsaka idinikit ang noo sa noo ko.


"and she's happy because Im in my happiest," he almost whispered.














Liked by 2,411 and otherselijahluisp 💐

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by 2,411 and others
elijahluisp 💐

-comments disabled-

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon