17

285 10 1
                                    

I wasn't sure how that day ended. Ang alam ko lang ay hinatid ako ni Ethan sa bahay. I was keeping myself busy lalo na nung nag resume ang klase. Itunuan ko ang oras sa pag-aaral kasama ang mga kaibigan ko at si Ethan. Busy kami sa pag gawa ng thesis at sa internship. Konting konti nalang talaga ay gagraduate na kami. Gusto kong maging masaya dahil matatapos na akong mag-aaral pero tuwing maaalala ko ang buhay ko pag tapos nang ito ay nalulungkot ako. Nakakalungkot kasi ang mga kasabayan at kaibigan ko ay busy na sa pagtupad ng pangarap nila samantalang ako? Nakakulong pa din sa plano ng daddy ko.




The next days were painfully slow for me. Nagtitingin na si Mommy nang lugar kung saan ioopen ang sunod na branch ng flower shop niya at ayun yung imamanage ko pagkatapos kong grumaduate. Busy naman si Daddy sa pag aasikaso sa pag alis ni Ate Reese dahil kukuhain na siya ni Dad. Hindi ko maiwasang mainggit dahil buti pa siya gusto niya talaga ang ginagawa niya. Lahat ng plano ni Daddy ay pangarap niya talaga. Pero ako? Kahit isang beses hindi nila ako tinanong sa kung anong gusto ko.





Sa kabila ng mga pangyayare, I still ace on the school. Our research paper won a best research award. Ganon din ang grupo nila Ethan. Final exam at internship nalang ang iisipin namin. Buti nga at nakakaya pa namin. Lalo na si Ethan dahil dalawa ang inaaral niya tapos naisisingit niya pa ang pagkanta.





Akala ko hanggang dun lang ang iisipin ko at doon ko nalang aabalahin ang sarili, pero nagulat ako nang puntahan ako ni Ethan sa bahay. Masayang masaya ang mukha niya at kahit hindi pa niya ako nakikita, halatang excited na siya.





"Love!!" He scream. Napayakap pa siya sakin pagkalapit ko sakaniya.





"Love ka dyan?" singhal ko. Matagal na siyang nanliligaw pero hindi ko pa alam kung paano siya sasagutin lalo na at malapit na rin ang pag-alis niya sa bansa.





"Napili yung portfolio ni Rico sa isang exhibit!" He said, there's tears on his eyes pero hindi naman bumagsak yon.





"Wow. Congrats!" I just smiled. Hindi ko rin kasi magets kung bakit parang ang saya saya niya. Siguro dahil pinsan niya nga yon.





"Hey! Ikaw yung subject niya don. Remember nung ball night? I know mali ang ginawa niya na hindi niya pinaalam satin pero napili ka as one of the model sa isang local brand!"





Parang tumahimik ang mundo nang marinig ko yon. And All I can see was him jumping on excitement for me. I don't know how to react but my heart is racing until I felt a tears running down on my face.





"Totoo ba?" tanging nasabi ko.




"Its real! May signing contract na nga kayo bukas! Paid partenership yon, and guess what? You'll one of the model who chose to do the campaign!"





Naiyak na ako ng tuluyan sa balita niya. I didn't expect this! Nawawala na nga sa isip ko ang pangarap ko na yon, pero nang dahil sakaniya unti-unti niyang binibigyan nang pag-asa. It was unexpected! Hindi ko alam kung paano ko siya tatanggapin dahil sobrang saya ng puso ko! Parang kailan lang ay iniiyakan ko pa ito dahil buong akala ko ay hindi ko na mararanasan. Pero ngayon? Kusang dumating! 






Alam kong hindi ako makakatulog dahil sa excitement kaya napainom tuloy ako ng sleeping pill. Kailangan kong mag gain ng energy!


DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon