Sinubukan ko talagang umakto ng normal sa harap ni Elijah ng magkita kami, pero taksil ang mga namumugto kong mata dahil napansin niya agad yon.
"What happen? Are you okay?" He looked really confused, natataranta rin siya ng yakapin ako.
"Okay lang ako," sabi ko at marahang lumayo sakaniya.
Tinignan niya ako sa mata atsaka nag-aalalang ngumiti. "Nandito lang ako ha?"
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at inalalayan akong umupo don. Pagkaupo niya sa driver sit, agad niyang inistart ang engine at maingat na pinaandar ang sasakyan niya.
"We argued... again," sabi ko sakaniya habang nakatingin sa labas ng bintana. Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nasa manubela.
"I don't know what really happen, pero let's hope na sa ganong paraan marealised nila yung pagkukulang nila sayo, diba?"
"Sana nga," ngumiti ako sakaniya.
"Can we just happy muna? Let's forget what happen." He smiled. Tumango ako at ngumiti rin.
Tama siya, maging masaya muna kami ngayon. Ayun naman talaga ang plano e. I appreciated his efforts kaya inalis ko na muna ang lahat ng lungkot sakin. Medyo matagal ang byahe kaya nakatulog ako. Nagising lang ako ng makarating kami sa parking lot ng hotel.
"We're here!" masayang sabi niya.
"Pumunta tayo dito para mag check-in?" takang tanong ko.
"Oo, hehe. Sorry na, this is unplanned."
Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya at hindi na nag salita. Nag check-in nanaman kami sa isang suite, nag pahinga lang kami saglit tapos umalis kami para maghanap ng kakainan. Dinner na din, dahil hapon na kami nakarating dito. Nag drive siya hanggang sa makakita kami ng magandang spot. Napunta kami sa restaurant na may overlooking view. Sa labas kami pumwesto dahil malamig at kitang kita yung magandang city lights.
"Anong gusto ng mahal ko?" He asked me while looking on the menu.
"Parang ang sarap mag bulalo,"
"Okay, bulalo tayo!"
Bulalo lang ang sinabi ko pero maraming dumating na order sa table namin. May pork sisig, chiken wings, roasted chiken, mix veggies at may milk shakes pa.
"Bat ang dami naman?"
"Happy monthsarry!" He winked at me. I just looked at him and watched him serving me a food. Nilagyan niya ng maraming pagkain ang plato ko at naubos ko naman yon dahil ito palang ang pagkain ko buong araw.
Habang kumakain, nag kukwento siya ng kung anu-ano kaya nakalimutan ko talaga ang nangyari kaninang umaga. Nililibang niya talaga ako at ginagawa niya talaga ang lahat para maenjoy namin ang moment na to. We talked a lot about happy memories. Wala kaming pinag usapang malungkot.
"Donny Pangilinan, jojowain o totropahin?" tanong niya sakin. Tumingin ako sakaniya at umaaktong nag iisip.
"Siguro, jojowain dahil sa looks niya," natatawang sabi ko.
"La, bakit?"
"Kamukha mo e!"
"Mas pogi kaya ako!" tinarayan niya pa ako kaya tawa ako ng tawa.
"Oo na, mas pogi ka na!"
Matagal kaming nag stay sa restaurant bago kami bumalik sa hotel. Pagkabalik, bumili siya ng beer niya dahil naisip namin tumambay sa balcony. Nag latag siya doon ng comforter tapos nag lagay pa ng unan. Umupo kami sa lapag at parehas na nakatingin sa magandang city lights. Malamig ang hangin kaya pinasuot niya sakin ang jacket na dala niya.
"Are you sleepy?" He pursed his lips. "Here. You can lie down." Itinuro niya ng hita niya sakin. I smiled at him before I lay down on his legs.
"Ikaw ba? Antok ka na ba?" I asked him.
"No. Parang ayaw ko ngang matulog e... gusto kong sulitin to kahit hanggang bukas lang." I gave him a small smile. He lean on me and kissed my lips. Nang humiwalay siya sakin, hinaplos niya ang ulo ko, halatang may iniisip na iba.
"Kung iniisip mo ang pag cancel ng flight mo, itigil mo yan. Ituloy mo yon, maghihintay naman ako sayo, e." sabi ko para gumaan ang pakiramdam niya.
"Gusto mo bang magkaanak?" seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko dahil ang random niya.
"Bat mo naman natanong yan? Alam mo ang random mo!"
"Gagawan kita, para wala ka ng kawala sakin." he chuckled. Hindi ko na tuloy alam kung nagbibiro ba siya o ano!
"Mag seryoso ka nga!" suway ko sakaniya.
"Why? Im serious, and I think you'd be a great mother." He leaned again just to kiss my forehead.
"Really?" nakangiti na ako at inimagine ang sarili ko.
"I think, you're the type of a mom na isasacrifice ang lahat para sa anak. "
Pumikit ako ng mariin at naramdaman ang tumulong luha sa mukha ko. Siguradong ganon talaga ako dahil hindi ko hahayaan na matulad sa akin ang anak ko, na kulang sa pag-aalaga at pagmamahal ng magulang. I smiled to myself while tears were running down my cheek.
Kinabukasan, maaga kaming gumising. Nasa hotel pa rin kami at pumunta agad sa balcony para tignan ang sunrise. It was cold and foggy. Elijah was smiling the whole time so I smiled, too. He looked so happy na parang hindi siya nag aalala na aalis siya at iiwan niya ako.
Umakbay siya sakin at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Kaya naman natin diba?" He asked me.
"Syempre naman," nakangiting sabi ko kahit na wala akong kasiguraduhan.
"Mamimiss kita, sobra..." he said. Humawak ako sa kamay niyang naka-akbay sakin.
"Ang drama! Sa lunes pa ang alis mo, wag kang masyadong ano! Parang nag papaalam ka na e." I laughed but it was painful. Kung pwede ko lang pa hintuin ang oras ay ginawa ko na para mas matagal ko pa siyang makasama.
"Mahal na mahal kita, Kisses." malambing ang boses niya ng sabihin niya yon. "Wag moko susukuan ha?"
"Hindi po kita, susukuan." I smiled. He looked at me and kiss me slowly... and intimately.
This scene is perfect. Sunrise. Us. Kissing. Full of love. It was the best part of my life. Sana hindi na matapos to.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...