31

293 12 1
                                        

"Are you okay?" tanong ni Ethan pagkalabas niya sa bathroom, kakatapos niya lang mag shower. "Anong iniisip mo?'' dagdag niya pa.







"Nothing." ngumiti ako at inayos ang pag upo sa kama. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko bago pumunta sa cabinet at kumuha ng tshirt niya.








"Parang ang lalim ng iniisip mo e." seryosong sabi niya. Ngumiti lang ako sa kaniya, atsaka tumayo para maligo sa bathroom.










Alam niya talagang may iniisip ako ngayon. I was actually thinking of being a model. Alam kong ang random non pero bigla na lang sumagi sa isip ko, kung dapat ko bang ituloy ang pangarap kong yon. Malapit na ang graduation kaya dapat mapag-desisyunan ko na kung ano ba ang balak ko. Nahihirapan kasi talaga akong mag decide dahil hanggang ngayon, naiisip ko pa rin si Daddy. Hanggang ngayon takot pa rin akong madisapponint siya kahit na palagi naman siyang ganon pagdating sa akin.








Hindi pa rin mawala sa isip ko ang maraming 'bakit' pagdating sa pamilya ko. Hanggang ngayon nag hihintay pa rin ako sa sagot na matagal ko ng gustong marinig mula sa kanila. At hanggang ngayon kahit na nasasaktan nila ako... mahal ko pa rin sila at nag hihintay akong maramdaman din ang pagmamahal nila. Lalo na ang pag mamahal ni Daddy.










"Love? Are you okay? Kanina ka pa dyan..."










Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ang boses ni Ethan mula sa labas. Bakit ko ba kasi naisip bigla ang pamilya at pangarap ko? Nandito ako para mag enjoy kasama ang boyfriend ko, hindi para mag tanong nanaman nang paulit ulit kahit wala naman akong nakukuhang sagot.











"What's bothering you?" tinanong niya ulit ako pagkalabas ko sa bathroom. Nakatayo siya sa gilid ng pinto at mukhang kanina pa nag hihintay sa pag labas ko.







"It's just... Dad again." sambit ko bago ngumiti sa kaniya.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon