"Its my Mom's death anniversary today."
Napatingin ako sakaniya ng sabihin niya iyon. Nakita ko agad ang dumaang lungkot sa mga mata niya ngunit nawala rin iyon bigla ng tumingin siya sakin. Ngumiti pa siya na parang wala lang sakaniya ang inamin niya.
"Birthday ko din ngayon." Nakangiti paring sabi niya. Sandali akong natulala sakaniya atbhindi ko maisip kung ano ba ang dapat sabihin.
"Sorry, I am loosing words." Nahihiyang sabi ko.
"Huy ano ka ba! Hindi mo kailangang magsalita tungkol sa sinabi ko. Sapat na sa akin na pumayag kang makasama ako kahit saglit lang." And again he smiled but this time I knew he was faking it.
"Hindi mo rin kailangan mag panggap dahil lang sa kasama mo ako." I uttered. Marahan ko rin hinahawakan ang likod niya. Yun lang ang kaya kong gawin para maramdaman niyang may kasama siya.
"Nakakahiya, pasensya ka na." Sabi niya habang nakatingin sa langit.
"Okay lang. That's valid."
"Nahihiya lang ako sayo dahil sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkasama."
"Edi isipin mo birthday gift ko na sayo to." Natatawang sabi ko sakaniya. Natawa rin siya sa sinabi ko kaya sabay na kaming nagtawanan. Para kaming siraulo ngayon dahil natatawa kami sa isat isa kahit wala namang dahilan.
"Ang saya natin no?" Sabi niya bigla.
"Mukha nga." Sagot ko. Nag kwentuhan lang kaming dalawa at pinagtatawanan ang lahat ng bagay. Parang sa sandaling iyon ay nag click ang ugali naming dalawa.
"Nakakagutom no?" Tanong niya ng matahimik kaming dalawa.
"Tawa pa." Sagot ko.
"Kain tayo? May alam akong masarap promise! Worth it ang puyat mo pag natikman mo don."
Tinignan ko muna siya bago ako tumingin sa phone ko at i-check ang oras. 1am na ang bilis ng oras. Chineck ko din kung nag text ba ang parents ko dahil baka hinahanap nila ako o kaya nag aalala na sila... pero napangiti ako ng maalala kong hindi pala sila ganon pagdating sakin.
"Tara!" Nakangiting sagot ko sakaniya.
Agad din naman siyang tumayo at sabay kaming naglakad pabalik sa kanya-kanyang sasakyan. Nauuna siya sakin at sinusundan ko lang naman siya. Nang makarating sa lugar, hindi pa man ako nakakababa sa sasakyan namamangha na ako. Hindi ko alam na may ganito kagandang pwesto dito sa lugar namin.
"Miss?"
Napasimangot ako ng makita sa labas si Elijah at kumakatok sa bintana ko. Napakabilis naman niyang ipwesto ang sasakyan niya sa parking space.
"Wala akong barya." Nang aasar na sabi ko pagkabukas ng bintana.
"Bastos ka!" Natatawang sabi niya pero itinuloy niya pa din ang pag guide sa akin sa parking space. "Ge, ge, ge, abante!"
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...