"Magpaganda ka Kisses! Ano ba naman yan! Sa Booze ang larga natin te! Napaka simple ng atake mo! Hindi tayo mag kukumpisal don!"
Napapailing nalang ako habang nag lalagay ng liptint at blush on. Anong nangyare sa NEVER ko? Bakit nandito ako ngayon at nag faface powder!
"Smile ka na, minsan lang to okay?" pangungumbinsi pa sa akin ni Yara.
Sinuklayan ko nalang ang bagsak kong buhok at hinayaan na nakalugay yon. May kakapalan ang kilay ko at mahaba din ang aking pilik mata, kaya hindi na problema sa akin ang ayusin yon. Maputi rin ang kutis ko at may pagkasingkit ang mga mata habang ang ilong ko naman ay maliit at tama lang ang taas.
Simple lang talaga ang ayos ko dahil hindi na nila ako pinauwi para makapag palit pa ng damit. Hindi nila ako pinagkatiwalaan nung nag paalam akong uuwi saglit para mag ayos ng sarili. Sabi nila ay baka hindi na ako bumalik. Hinayaan ko nalang din sila dahil hahaba pa ang usapan. Sila lang tuloy ang nakapag palit dahil may extra silang damit na nakatago sa locker nila. Mukha tuloy planado ang gabi na ito dahil readyng ready talaga sila.
"Effortless talaga ang ganda ni Kisses! Nakakatampo na lord ah?" sabi ni Yara habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko siya pinansin dahil hindi ko naman gusto to. Ayokong sumama dahil hindi ko alam. Pwede naman yon diba? Hindi ko alam ang dahilan.
Pagkadating namin sa Booze medyo madami nang tao. Maliit lang ang space ng bar at mukhang puro magkakaibigan ang nandito ngayon. Habang nililibot ko ang kabuuan, nahagip ng mga mata ko si Ethan na nag aayos ng gamit nila sa stage. Ethan's simple white shirt and leather jacket gave him an attractive appearance. Even from afar, his nose was sharp and pointy at ang labi nya ay halatang malambot.
Umupo kami malapit sa may stage dahil doon daw yung ipinareserve ni Ethan na table para sa amin. Pagkaupo palang namin ay agad na syang lumapit para asikasuhin kami.
"Kanina pa kayo?" tanong niya agad kay Olive. Nag tama pa ang mga mata namin kaya wala na akong nagawa kundi ngitian siya.
"Nag chat ako sayo hindi ka nag rereply!" sigaw ni Olive sa pinsan dahil malakas ang music lalo at nasa harapan pa kami.
"Naka silent phone ko, teka kumain na ba kayo?" umiling lang si Olive sa kanya. "Okay, wait." sabi pa niya bago siya umalis at lumapit doon sa waiter. Kasabay ng pag balik niya ang isang waiter na may dalang fries, nachos, chiken wings at drinks. May burgers din at pasta.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
