Ruptured Aneurysm
Seeing her death certificate and knowing her cause of death hurting me so much. I covered my mouth to stifle a sob when I cried again. Sobrang bigat sa dibdib ng lahat ng nangyayari. I couldn't take it anymore. First time kong sumuko sa buhay dahil palagi kong kinakaya lahat, pero hindi ito. This was already too much for me. This grief has changed me. The pain, sadness and rage has changed me. The trauma and the shock changed me. I am no longer who I once was. Her death changed me. I lost my family and I lost her, including myself.
Hindi ko pa kayang tignan si Yara habang nasa loob siya ng casket niya. Natatakot ako dahil iyon na ang katotohanang wala na siya. Buong gabi akong umiyak at nakatingin lang sa casket niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nasa loob non. Nahihirapan parin akong tanggapin. Biglaan ang pag-alis niya at yun ang dumudurog sakin.
"Kisses," I stood up when I heard a familiar voice. He was running to me. As soon as I saw him, I started to cry. "Love," he whispered while hugging me.
I still felt like shit, but being held by him made me feel a little better. I tried to wipe my tears when I remember his flight. Pakiramdam ko masusugat na ang mata ko kakapunas ng luha.
"Hey, just lean on me." He softly said like I was so fragile.
"Anong oras ang flight mo?" I asked him. Hindi siya sumagot sakin dahilan kaya natahimik kami.
"Hindi na ako aalis."
I was shocked. Hindi ko alam kung magandang balita ba yon, pero isa lang ang nasa isip ko. Hindi pupwedeng hindi siya tumuloy. Ayokong maging dahilan para mapigilan ang pangarap niya.
"Hindi pwede, Elijah." nag lakad ako at umalis sa harap niya. Agad naman niya akong sinundan palabas.
"Bakit hindi? Marami pa namang pagkakataon e, akala mo ba madali sakin ang iwan ka habang ganito ang sitwasyon?"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Humarap ako sakaniya. "Hindi pwede! Ayokong maging dahilan para di mo matupad ang pangarap mo!"
"Wala naman akong sinabing hindi ko na itutuloy ang pangarap ko. Itutuloy ko pa rin yon, pero hindi muna ngayon."
"Stop it!" napasigaw na ako. "Just leave me!"
Napatigil siya at tinignan ako ng matalim. His eyes were bloodshot with tears forming at the side of his eyes. My mind was clouded. At walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pag trato sakin ni Daddy. Hindi ako papayag na maging kagaya ako ng ama ko. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na maging hadlang para sa pangarap ng iba. Naiisip ko na baka matulad sakin si Elijah, natatakot ako na baka makulong ko siya ng pagmamahal ko. Naiisip ko din na kaya siya hindi aalis dahil alam niyang hindi ko kaya, at doon ako mas lalong natatakot. Dahil palagi nalang... palagi nilang nakikita na hindi ko kaya. I just wanted to feel all the pain, at kayanin lahat nang mag isa. Kasi ganon ako e, kaya ko kahit na sa tingin nilang lahat ay hindi. Kaya ko! Kinakaya ko palagi!
![](https://img.wattpad.com/cover/257136580-288-k136208.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...