Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Yara. Humawak ako sa ulo ko at umupo sa kama, inis kong sinagot ang tawag niya dahil nagising ako.
"Hello, sis? Kauwi ko lang galing hospital. Okay ako. Wala akong sakit, anemic lang daw." diretsong sabi niya sakin.
"Buti naman. May binigay bang gamot sayo?" I was relief.
"Meron," narinig ko pa ang pag ngisi niya sa kabilang linya. "Ayan ha, okay ako. Kaya wag na kayo mag alala."
I smiled kahit hindi niya nakikita yon. Buti naman nag pacheck-up siya. Akala ko pipilitin ko pa siya para gawin yon. Pagkatapos nang tawag na yon, tumayo na ako para mag asikaso. Maya maya ay magkikita na din kami ni Elijah. Mabilis lang ang pagkilos ko at nag suot lang ako ng croptop na long sleeve at buggy pants. Nag make-up din ako ng kaunti bago lumabas sa kwarto ko.
"Thank you, dad! It was the best gift ever!" pababa palang ako ng hagdan rinig ko na ang boses ni ate Reese. Nasa sala silang lahat at magkayakap si Daddy at Ate. Si Mommy at Hershey naman ay nakaupo lang sa couch habang masayang tinitignan ang dalawa.
"Si Ate, Dad? Anong regalo mo?" gulat akong tumingin kay Hershey ng sabihin niya yon.
"Wala. Hindi ko naman alam ang gusto nyan, tsaka okay lang naman kahit wala na." parang nanlambot ako ng marinig ko yon mula sakaniya. Nakaramdam ako ng sakit pero mas nangibabaw ang galit.
"Pano mo malalaman, e kahit kailan hindi mo naman inalam," mahinang bulong ko pero narinig niya pa rin yon.
"Masyado ka ng bastos, Kisses!" sigaw niya sakin. Huminto ako sa paglalakad at humarap sakaniya. "Walang wala ka talaga sa ate mo!"
"Oo na! Wala na ako! Dahil kahit kailan hindi kami pareho!" napasigaw na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Hindi kami pareho... dahil hindi naman ako ang paborito mo diba? Wala ka namang ibang napapansin dito kundi ang Ate!"
"Ang tapang mong sumagot ah?! Sana pag nagkaanak ka, maging kagaya mong bastos!"
"Hindi mangyayare yan... dahil aalagaan ko ang anak ko. Mamahalin ko siya at pagtutuunan ng pansin, hindi katulad mo!"
"Anong sabi mo?!" gulat na tanong niya. "Paano mo nakakayanan sabihin yan?"
"Totoo naman diba? Sayo na mismo nanggaling na wala lang ako. Sana nga pinatay niyo nalang ako dahil kahit kailan naman... hindi ko naramdaman na naging parte ako ng pamilyang to!"
Natahimik ang bahay dahil sa sinabi ko. Napaiyak na rin si Mommy at Hershey sa nangyayari, hindi alam ang gagawin. Tuloy tuloy lang tumutulo ang luha ko habang si Daddy at Ate ay seryoso lang ang mukha at nakatingin sakin.
"Paano mo nasasabi yan? Pasalamat ka nga at nakatira ka sa malaking bahay at may maganda kang buhay!" galit na sabi ni Daddy.
"Masama ang loob ko sainyo kaya ko nasasabi yon! Masama ang loob ko dahil sa mga panahong hirap na hirap ako, wala kayo sa tabi ko! Kahit sa mga panahong masaya ako at nagtatagumpay... mag-isa ako. Ni isa sainyo walang pumalakpak para sakin dahil ang tingin niyo, wala akong kayang gawin!" nanginginig ang boses ko.
Hindi nakapag-salita si Daddy dahil wala naman talaga silang alam sa paghihirap ko. Simula pagkabata ko, tinatanong ako palagi kung nasaan ang magulang ko para sabitan ako ng medal. Lagi akong kinakaawaan dahil sakanila. Pero hindi ko sila sinisisi. Galit ako. Galit ako dahil kahit kailan hindi nila ako sinamahan. Palagi nalang akong mag-isa na para bang wala akong pamilya. Kaya hanggang ngayon wala silang alam tungkol sakin, dahil palagi naman silang wala sa tabi ko.
Palagi akong umiiyak mag-isa. Hindi ko pinapakita sa mga tao na mahina ako pagdating sa pamilya ko. Sarili ko lang ang kakampi ko at doon ko narealize na, no one will share the pain with me but me.
"Ako lang palagi... ang mag-isa." pag iyak ko sakanila.
"Anak," tawag sakin ni Mommy. Hahawakan niya sana ako pero agad akong umiwas.
"Anak?" singhal ko. "Ma, palagi kang wala dahil nag tatrabaho ka at alam kong para yon samin. Pero... naisip mo ba kahit minsan na kailangan ko ng ina? Ikaw nalang ang nakikita kong pag asa sa pamilya na to, pero bakit unti unti ka rin nawawala?"
Halos hindi ko na sila makita dahil sa mga luha ko. Ang sakit pa ng dibdib ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Nabuksan nanaman yung sugat na matagal ko ng hinihilom.
"Sorry, Dad ha? Sorry kung bastos ako. Sorry kung walang wala ako kumpara kay ate... sorry dahil hindi ko kayang mameet yung expectations mo. I may not be the best daughter to you but you must admit that you were not the best father, too. Hindi ko maiwasang maisip kung... anak ba talaga ang tingin mo sakin?" Lalo akong naiyak sa sinabi ko.
I suffered so much. I questioned myself a lot of times. Kamahal mahal ba ako? Hindi ba ako magaling? May kulang ba sakin? Ano pa bang dapat kong gawin para mapansin at maramdaman ang pagmamahal nila? Kung pwede ko lang yakapin ang sarili ko, ginawa ko na. Kung pwede ko lang siyang samahan sa bawat araw na malungkot at umiiyak siya, ginawa ko na... because she suffered so much.
Kung hindi ko lang nakilala si Yara noon, siguro matagal ko ng napagdesisyunan na tapusin na ang buhay ko. Dahil wala namang ibang pinaramdam yon kundi lungkot at pighati.
"Im sorry, anak..." pag iyak ni Mommy. "Sorry kung palagi akong wala sa tabi mo. Mali ako... akala ko okay lang na wala ako dahil alam nyong nag tatrabaho ako para sainyo..."
Hindi na ako nakapag-salita ng marinig ang malakas na pag busina ng sasakyan sa labas. Alam kong si Elijah na yon, kaya pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan silang lahat.
"Graduation ko na sa Sabado... nag mamakaawa ako sainyo, kahit doon lang sana naman pag bigyan niyo ko."
Kahit kailan ay hindi ako nag makaawa sakanila para pansinin ako o kahit mahalin ako. Pero ngayon, ngayong mahalaga sakin ang araw na yon... siguro naman hindi masamang humiling sakanila ng ganon.

BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...