3

504 16 1
                                        

Naging usap usapan tuloy sa school ang pag post ni Ethan ng picture naming dalawa. May iba na natutuwa may iba naman na hindi. Hindi rin kasi maitatanggi na maraming nagkakagusto sa kaniya. Kada dadaan tuloy ako sa hallway pakiramdam ko pinag uusapan ako.




Hindi naman niya kailangang gawin yon. Parang gumawa lang tuloy siya nang topic sa school. After din naman kasi ng gabing yon wala na, hindi ko na siya nakikita. Bukod sa malayo ang building ng tourism samin, crush lang naman niya ako. Wala naman siguro siyang ibang intensyon sa pag post niya na yon kaya hindi ko alam kung bakit ginawang big deal ng iba.




"Kape tayo..." parang tamad na tamad si Anya ng ayain kami. Kakatapos lang ng major exams namin at kampante naman ako sa mga sagot ko.




"Huy, tara! Deserve ko mag kape dahil sa hirap ng exams." lumapit sa akin si Olive para tulungan akong mag ayos ng gamit ko.




Sakanilang tatlo mas malapit talaga ako kay Yara dahil magkakilala na kami simula elementary palang. Sabi niya sa akin ay binibigyan niya ako ng space para makakilala ng iba dahil siya lang ang kaibigan ko simula noon. Madali lang naman pakisamahan ang mga kaibigan namin ngayon kaya naging malapit na rin ako kila Olive at Anya. Lalo na kay Olive dahil magkatabi kami sa upuan. Si Anya naman hati ang oras sa amin dahil may boyfriend. Naiintindihan naman namin yon. Bukod sa pag aaral e, priority niya rin talaga ang bebe time.




Dumiretso kami sa Starbucks at dahil maaga natapos ang exams namin, paniguradong magtatagal nanaman kami sa pag tambay dito. Okay na din yon dahil mas gugustuhin kong manatili dito kasama sila kesa umuwi ng maaga sa bahay.




"Mauna na kayo sa table at umorder na din kayo. Mag rest room lang ako." paalam ko sa kanila. Nagkatinginan pa kami ni Yara dahil alam niya naman ang gusto ko kaya siya na rin ang oorder para sa akin.




Pumunta lang naman ako sa rest room para mag ayos ng sarili. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit na ng mukha ko. Ginawa ko lang ang routine ko. Nag hilamos, nag suklay, nag blush on at nag liptint  tapos nag pabango bago lumabas.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon