22

279 9 2
                                    

Lagi kaming nagkikita ni Elijah tuwing hapon at sabay na kakain ng dinner sa mall. It was our routine for the next few days until new year's eve came.



Napag usapan naming magkaibigan na magkakasama kaming sasalubungin ang bagong taon kaya nag booked sila ng condo. Hindi ko pa inaasahan na sumama samin ang mga kabanda ni Elijah. Lalo tuloy nakaka excite dahil ang dami namin. Ngayon nalang ulit kami nagkitakita ulit dahil kakauwi lang din ng iba galing ibang bansa.




"Matt bababa kayo diba? Pasabay naman ako gamot sa sakit ng ulo." Nakahawak sa noo si Yara habang naka sandal sa sofa.




"Masakit nanaman ulo mo?" Tanong ni Anya sakaniya. "Uminom ka ng tubig o kaya magkape ka."




"Kulang lang ako sa tulog." Sagot nya samin. "Asan na ba si Olive? Patawagan nga para sakaniya nalang ako magpapabili."



Tatawagan ko na sana si Olive nang biglang bumukas ang pinto at siya ang nakita ko. Kasama niya si Archie na nasa likuran niya at magkahawak kamay silang pumasok sa loob. Gulat akong tumingin kila Yara na ganon din ang reaksyon sa dalawa.



"Bat magkahawak ang kamay?" Tanong agad ni Anya sakanila.



"Sorry, late ako." Bati muna ni Olive samin. Walang nag salita dahil nakatingin kaming lahat sakanilang dalawa ni Archie.



"Uh, girls, kami na ni Archie." Parang wala lang sakaniya ng sabihin niya samin yon.



"Kailan pa?" Tanong ni Yara na tumayo pa at lumapit sakaniya.



"Bago pa mag bakasyon." Ngumiti si Olive samin at namumula na dahil sa hiya. "Kasama rin namin siya sa US." Halatang gulat na gulat kami sa sinabi niya. Lalo na ako dahil nilalandi pa ako noon ni Archie.




"Wow!" Tanging nasabi ni Anya.



"Gagi nakakagulat nga. True ba? Pano nangyare?" Tumingin pa si Yara kay Olive.



"Diba si Kisses ang type mo?"



"Anya!" Suway ko sa babae ng sabihin niya yon. Nahihiyang tumingin tuloy sakin si Olive




"People change, I guess?" Umupo siya sa  kama at tinarayan kami. "Can you be happy for us?"



"Happy naman kami. Nakakagulat lang." Sabi ni Anya. Nakatingin lang ako sakanila at tahimik na nakikinig sa usapan nila.



"Hindi ko kasi alam paano sasabihin. Tsaka kasi ako yung nag first move samin. Nahihiya lang ako na ganon." Sagot pa ni Olive.



"Anong nakakahiya don? Si Elijah nga nag patulong pa satin para mapalapit kay Kisses, diba? Napilit pa nga natin sumama yan sa booze kahit di naman nya hilig yon." Sabi naman ni Yara na umupo na sa sahig at nakatingin kay Olive.



"I know, pero kasi... basta! Basta kami na. Pamasko niyo na sakin to. Wag na kayong magtampo dyan!" Inis na sabi ni Olive. Natawa nalang si Yara sa itsura niya kaya nauwi nanaman kami sa tawanan.



Natigil lang kami nang may kumatok sa pinto. Dumating na si Elijah na may dala dalang mga pagkain. Siya ang sumagot sa kakainin namin mamaya dahil nag ambagan na kami sa unit. Bumili din siya ng wine para may maiinom daw sila mamaya.



Dumiretso siya sakin pagkalapag niya ng mga pagkain sa malaking lamesa. Niyakap niya muna ako bago umupo sa tabi ko.



"You okay?" He whispered. Ngumiti ako at tumango lang sakaniya.




" Si Olive at Archie pala?" I said to him.


"Umamin na sila?" Sagot niya. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.



"Alam mo?"



"Sakin niya unang sinabi. Nung pasko ko lang din nalaman kasi kasama nila si Archie."



Tumango lang ulit ako sakaniya at hinayaan nalang ang idea na nilihim samin ni Olive yon. Baka nga nahihiya talaga siya samin kaya niya naitago. Naging maayos din naman ang gabi dahil nag palaro si Elijah at pera ang premyo. Game na game naman ang mga kaibigan ko na parang akala mo gipit na gipit sa pera. Ayaw talagang mag patalo sa mga lalaki.




After nang palaro nag kantahan naman kami dahil nag dala ng gitara si Archie. Sumasabay kami sa kantahan at nag tatawanan. Noong countdown na, sigaw kami ng sigaw para sabayan ang count.




"Happy new year!" Sabay sabay naming sigaw. Nag ingay din kami gamit ang torotot na binili din ni Elijah kanina. Tumatalon din kami habang nagtatawanan.



Pagkatapos naming tumalon niyakap namin ang bawat isa. Una akong niyakap ni Elijah. Hinalikan niya pa ng tatlong beses ang noo ko bago ako batiin.




"I love you," sabi pa niya sakin.



"Sana all!" sigaw ni Yara samin.



Niyakap ko tuloy si Yara at tumagal din yon ng ilang minuto. Nakayakap lang ako sakaniya at tahimik na umiiyak. Naiiyak ako sa sobrang saya. Ito na ata ang pinakamagandang pag salubong ko sa bagong taon. Dahil kasama ko sila. Kasama ko ang mga taong mahal din ako. I wish were still like this in next years.



Niyakap ko isa isa ang mga kaibigan ko, ganon na rin sila Archie. Kada yakap nila sakin ay pinapatahan ako. Masaya lang ako kasi natupad ang wish ko na masaya ko  sasalubungin ang bagong taon. Sobrang saya ko talaga dahil sila ang kasama ko.



"Tears of joy?" Sabi sakin ni Elijah pagkabalik ko sa tabi niya. Pinunasan niya pa ang mga mata ko at inayos ang nagulo kong buhok.



"Thank you," I sighed. "I don't know what I would do without you."


He gave me a small smile. "Thank you lang? Walang... I love you?"



Tinignan ko ang mga mata niya bago ko hawakan ang magkabilang pisnge niya. Matagal na siyang nanliligaw sakin pero lagi akong hindi makakuha ng tyempo kung paano ko sasabihin sakaniya ang nararamdaman ko. Wala rin kasiguraduhan kung hanggang kailan ba kami dahil alam kong malapit na rin siyang umalis para abutin ang pangarap niya.



Pero sa mga oras na to at habang nakatingin ako sa mga mata niya, parang ayaw kong mag sayang ng oras para makasama siya at masabi ang nararamdaman ko para sakaniya.


"Let's be official." I smiled. Kumunot naman ang noo niya at taka akong tinagnan.


"Ha?" sabi pa niya.



"Let's do it." I said with full smile. Alam ko ding namumula na ako.



"What?!" His eyes widened in surprise.


"The boyfriend and girlfriend—"


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ang labi ko. Nag sigawan tuloy ang mga kaibigan namin dahil sa ginawa niya.


"Yieeeee!! Tamis!" Rinig kong sabi nila.


"Happy new year talaga." Si Yara na pumapalak pa.


"I love you, I love you, Iloveyou!" He said. He wrapped his arms to me and rested my head on his chest. Rinig na rinig ko tuloy ang tibok ng puso niya.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon