7

409 12 1
                                        

"Ano yung post ni Ethan kagabi?? Kayo na agad?"










Pagpasok ko pa lang sa room na corner na agad ako nila Yara. Kaninang umaga pa nga lang sa chat panay na ang tanong nila. Gumawa pa nga ng group chat si Anya para doon daw namin pag usapan, pero ni isa sa mga chat nila ay hindi ko nireplyan. Wala din namang meaning yung ginawang pag popost nanaman nung lalaki yon. Magkasama lang kami kagabi para damayan ang isat-isa. At oo nga umamin siya sa akin pero yun lang naman yon.











"Nagdadalaga na talaga si Kisses," pang-aasar ni Olive sa akin. Tinignan ko silang tatlo at natatawa nalang ako dahil seryoso ang mga mukha nila. Basta chismis talaga active na active!










"Mag aral na tayo!" natatawang sabi ko bago sila lagpasan at umupo sa pwesto ko. Humabol pa si Yara sa akin pero hindi na niya ako nakulit dahil dumating na ang instructor namin.










"May utang kang kwento sa akin!" masama pa niya akong tinignan bago bumalik sa pwesto niya.










Discussion lang naman ang ginawa namin buong araw at pinapaalala sa amin ang tungkol sa student's night na gaganapin sa sabado. Nag hiyawan naman ang mga kaklase ko lalo na at isa iyon sa inaabangang event sa school.












"May isusuot ka na ba sa sabado?" napalingon ako kay Olive habang inaayos ang gamit ko. 











"Meron na. Isinabay ako ng mga kapatid ko sa pagbili nang dress nila."














"Corny ng pamilya mo. Pati ba naman susuotin mo sila pa nag dedesisyon?"













Ningitian ko nalang siya dahil wala naman na akong magagawa. Hindi naman na ako nag reklamo tungkol doon, dahil kahit anong style naman ng damit ay nagagawan ko nang paraan para bumagay sa akin.













"San tayo?" humawak si Yara sa braso ko nang lumapit siya sa pwesto namin ni Olive.  













"May pupuntahan tayo?" takang tanong ko dahil wala naman kaming planong umalis ngayon.












"Tangek! Ano? Ganon ganon lang? Hindi ka mag-kukwento?" sagot ni Yara na parang nakikipag-away pa.














Napasinghap na lang ako at sinabi na nga sa kanila ang nangyare kagabi dahil hindi talaga nila ako titigilan. "Kumain lang kami yun lang yon." sabi ko sa kanila.













"Kumain tapos ano pa?" pamimilit ni Yara sa akin.












 "Tapos umamin siya na gusto niya ako."













"Pucha magkaka-jowa ka na!" tili ni Anya. "Ikaw na to!"













"Lumelevel up na pinsan ko. Hindi na siya torpe!" komento naman ni Olive. 












"Nanliligaw na ba?" tanong ni Yara at agad naman akong umiling  sa kaniya. "Ngek? Ganon lang? Nag confess tapos hindi nanliligaw?!"












"Hintayin niyo kasi kumilos ang pinsan ko. Baka pati kayo kiligin pag nilagawan na niya si Kisses!"









 

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon