Noong sumunod na linggo, nag simula na akong magtrabaho. I was working all day with other models as well. Ngayon ko lang narealised kung bakit gusto ni Zia na mag stay kami dito. Maraming projects ang nakaabang sakin. Punong puno ako ng bookings at endorsement.
Pagkatapos ng buong araw na photoshoot, bumaba kami ni Rye para mag coffee. Habang nakaupo ako at hinihintay matapos si Rye sa pag order sa counter, biglang may umupo sa katabi naming table. Napakunot ang noo ko nang magkatinginan kami ni Archie. Nagulat din siya nang makita ako, pero hindi siya makapagsalita.
Sasabihin nya ba kay Elijah na narito ako? O baka hindi naman? Baka hindi dahil sigurado naman ako na naikwento na ni Olive sakaniya na nandito nga ako.
"Hey, long time no see!" He finally greeted me. Tinanguan ko siya nang nakangiti.
"Oo nga e, kamusta?"
"Im good, ikaw?! Grabe sikat ka na ah!" Hindi na ako nakasagot sakaniya dahil tinawag ako ni Rye para mag patulong sa tray na dala niya galing counter.
"Ikaw na magdala ng pastry ako na dito," utos sakin ni Rye. Pumunta nga ako sa counter para kuhain ang iba pang inorder niya. Aabutin ko na sana yung paper bag ng biglang mag salita ang isa sa mga barista.
"Black coffee for Elijah," parang nanigas ako ng marinig ang pangalan na yon at naamoy ko ang pamilyar na pabango niya.
Shems! Nandito siya! Sa tabi ko.... mismo! Bat hindi ko man lang napansin yon?
Napaawang ang labi ko, hindi alam ang gagawin. Nakita ko ang seryosong mukha niya habang inaabot sa barista ang drinks niya. Diretso lang ang tingin na para bang hindi ako napansin.
"Sister? Tara na! Tumawag na si ate," sigaw sakin ni Rye. Hindi ako makapagsalita. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Naglakad nalang ako papunta kay Rye.
"Hey, Miss, you forgot your pastry."
Natigilan ako sa paglalakad at napapikit ng mariin nang marinig nang klaro ang boses niya. Lumingon ako sakaniya at pinakita sa akin ang paper bag na nakapatong sa tray. He.... looked more mature. He just looked more attractive. He was... glowing. He looked so out of my league.
Kinuha ko ang paper bag nang hindi nakatingin sakaniya at mabilis na tumalikod. I felt so suffocated inside that coffee shop! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Nang makalabas kami roon lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko hindi na ako maaapektuhan kapag nakita ko siya, pero ganoon pa rin ang epekto niya sa akin mula noon hanggang ngayon.
Wait...
Did he just call me 'Miss'? Wala ba akong pangalan? Hindi niya ba alam ang pangalan ko?
"Ano miss? Gulat ka no?" Sabi ni Rye sa akin at tumatawa pa.
"Tawang tawa ka pa talaga? Kaya siguro nag patulong ka sakin dahil alam mong naroon siya?!" Tinaasan ko siya ng kilay, hinuhuli ang intensyon niya.
"Hindi ko naman alam na makakalimutan mo yung paper bag e, natawag ka tuloy ng Miss,"
Wala na akong magagawa. Nangyare na yon. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil sa tinawag niya akong Miss! Ano? Talagang naka move na siya sakin, pati pangalan ko nakalimutan na niya?!
I decided to decorate my unit after that day. Wala naman akong trabaho ngayon dahil tinapos ko lahat ng photoshoot kahapon. Bumili kami ni Rye ng mga gamit at ilang furniture. Kumuha lang kami ng pag gagayahan sa Pinterest para mag mukhang aesthetic ang unit namin.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...