"Have a sit." Seryosong sabi ni Mommy samin ni Elijah. "Oh ayan na pala sila e."
I just sit silently nang makita si Daday at ang mga kapatid ko na papalapit sa table namin. Si Elijah naman todo makangiti akala mo talaga hindi kinakabahan. Bakit ba kasi biglang naisip ni Tita Candice na mag breakfast kaming lahat bago umuwi?
"Good morning sir." He greeted my father using his usual low voice. Binati niya rin ang mga kapatid ko at sila lola.
Nag simula kami sa pagkain na puro tanong lang sila Tita at Lola kay Elijah. And he was answering all their questions precisely. Tuwang tuwa pa si Lola dahil panay "po" at "opo" siya halatang pinalaki daw na magalang.
"So your Dad is a Pilot?" Tanong ni Daddy bigla. "Then your step mom is an owner of a restaurant?"
"Yes po sir." Ngumiti pa siya.
"Ikaw? What's your plan?" Tanong pa niya kay Elijah.
"Im currently studying tourism but planning to be a pilot, sir. Im earning hours to flying school and next year po kukuha na ako ng license." He answered it with a smile on his face.
"Very talented!" Puri agad ni Tita Candice sakaniya. "You know it's the dream, I mean wow! Namamanage mo ang oras mo to do all your stuffs!"
Nakita ko ang pagtango ni Daddy habang kumakain. Napatingin siya sakin pero agad din sumulyap kay Elijah at ibinaba ang kubyrestos bago mag punas ng bibig at mag salita.
"How's your study? Are you good?" Tanong niya ulit.
"Dad, he's one of the top student sa school." Pangunguna ko. Sounds like im a proud friend.
"Nililigawan ka ba niya?" Tanong niya sakin na nagpakaba ng dibdib ko.
Mula sa ilalim ng lamesa naramdaman ko agad ang paghawak ni Elijah sa isang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng hita ko.
"Yes... dad."
Pinilit kong iiwas ang tingin ko sakanila dahil natatakot akong makita ang reaksyon nila. Nahihiya din ako dahil first time kong makipag-usap sakaniya na hindi related sa pag-aaral ko.
"Make sure na hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo. Tignan mo si Reese sabay kayong ga-graduate this year pero nauna ka pa pag dating sa ganyan."
I bited my lower lip. Parang hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa sinabe niya. Bakit kailangan niya pang banggitin ang paborito niyang anak? Hindi ko rin naman napapabayaan ang pag-aaral ko. Kino-compare na naman niya ako.
Elijah cleared his throat. "Sir si Kisses po ang pinakamataas sa Accountancy department. She's running for a summa cum laude din po."
"Wow!! Really? Well, we all know na matalino talaga si Kisses. Abot langit palagi ang grades nyan, Elijah." Tita Candice said. Pero kahit na nililift up nila ako hindi pa rin non mapapahanga si Dad.
"She needs to. She will be managing our business next year kaya dapat lang." Dad said in front of everyone.
"Ayun ba ang gusto niyang gawin kuya? Sayang naman ang pag-aaral niya kung dun lang siya mapupunta." Tanong ni Tita bigla.
Elijah rubbed my hands. Hawak niya pa rin ang kamay ko at kahit hindi siya tumingin sakin alam kong sa ganong paraan niya sinasabi na nandito siya sa tabi ko.
"Sa ayaw at sa gusto niya. Naka plano na yon. And it's still related sa course niya. Money and business."
Parang lumubog ang puso ko sa narinig. Alam ko naman na yon pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa tuwing ipapaalala niya ang future ko.
Nakayuko tuloy ako hanggang sa matapos silang kumain. Hiyang hiya ako hindi lang sakanila kundi sa sarili ko. Elijah saw how my father treats me. Parang wala akong pangarap. Walang plano sa buhay kundi sumunod lang sa gusto ng magulang.
Naunang umalis sila Tita. Nag paalam din sila Mommy at mga kapatid ko na mauuna na sila sa room kaya kaming tatlo nalang nila Daddy ang natira sa table. Tatayo na sana ako para mag paalam sakaniya nang tawagin niya ang atensyon ko.
"I just want a good future for you. So do what I've said." He said on his baritone voice. Magsasalita na sana ako ng biglang nag salita si Elijah.
"But sir, she has a plan and dreams too."
"Ang alin? Maging model? Wala siyang mapapala sa ganon." My father scoffed.
"Elijah..." Pigil ko dahil magsasalita pa sana siya.
"Mag grab ka nalang pauwi, Kisses. I have a lot of things. Hindi na tayo kasya sa sasakyan." Sabi pa ni Daddy bago tumayo at iwan kami.
Hiyang hiya ako sa nangyayari pero mas nangingibabaw sa akin ang sakit na nararamdaman ko. Tahimik tuloy ako hanggang sa bumalik kami sa room.
"Okay ka lang ba?" Paglalambing sakin ni Elijah.
Agad na nag tubig ang mga mata ko dahil sa tono ng boses niya pero nagawa ko paring ngumiti sakaniya.
"Im sorry, you have to witnessed that."
He shook his head and give me a reassuring smile. "Im grateful to be on your side while your Dad treating you like that."
"Hindi ka ba natuturn-off sakin?" Pag aalala ko.
"Bakit naman? Does that make you less of a person? Or do I need his validation to make me hate you?"
Naninikip ang dibdib ko, ang mga luha ko nagbabadya na din bumagsak.
"Sabi ko sayo diba? I can help you to reached that dream while obeying them. And I can give the love you need, the attention. Nandito ako para punan lahat ng kulang at pagaanin lahat ng mabigat sayo. I can be your constant. Because all I want for you is to be happy. And making you happy is one of my dream right now."
Hindi ko alam kung bakit parang isinasayaw ang puso ko kahit na may masakit akong nararamdaman. Pakiramdam ko nakahanap na ako ng kakampi ko. Alam kong nandyan din ang mga kaibigan ko para sakin pero ang marinig pa sakaniya ang ganong mga salita ay mas nag papatapang sa akin. Pakiramdam ko hindi na ako mag isa.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...