Nasa labas ako ng malaking bahay nina Elijah. I keep biting my lips because of too much tension. Kinakabahan ako sobra.
Im wearing a fitted white dress at hanggang taas ng tuhod ko ang haba non. May nakapatong din sa mga balikat ko na denim jacket tapos naka white snickers lang ako. Habang ang buhok ko naman ay naka high ponytail.
"Hey relax, mababait sila." he convinced me. He held my hand and smiled at me.
"Baka hindi nila ako magustuhan." I pout at him.
"Wag ka nga mag overthink." He answered. He was wearing a pink polo shirt and black pants. Ang simple pero ang gwapo pa ring tingnan ng boyfriend ko
Their house was two-story, malaki ang garden nila sa labas at iba iba pa ang mga bulaklak. Malawak din ang garahe nila at parang kasya ang limang sasakyan. Pagkapasok namin sa bahay nila isang maluwag na sala ang bumungad sakin. Sa sala palang nila alam ko ng mas malaki ang bahay nila kaysa samin. It was a modern mansion!
Hinatak niya ako papunta sa kitchen nila na tanaw ang pool area. Binuksan niya ang sliding door at lumbas kami doon. Damn, they were really rich. Sobrang luwag ng pool area nila parang pwede nang magpa-party dito.
I was almost trembling when we entered their house again. Huminga ako ng malalim ng makita ko ang isang lalaki at babae na nakatayo at nakatingin samin. Intimidating ang itsura ng babae but his father was a lot of scarier. Mas nakakatakot dahil ang laki ng katawan niya.
"Good afternoon po..." I almost choked. Hawak pa rin naman ni Elijah ang kamay ko. Tumingin siya sakin at ningitian ako bago ako alalayan papunta sa upuan. Their tables and chairs were so expensive!
"Dad, Tita Ca, si Kisses po, girlfriend ko," Elijah introduced me like his not tense at all! I smiled to them and look down because of awkward feeling.
"Im Timothy, and this is Cariza." Malalim ang boses ng Daddy niya kaya mas lalo akong kinabahan. I just smiled again to hide my nervousness.
"Let's eat." Ma'am Cariza stared at me.
I bit my lower lip and deep breath. Parang hindi ko ata kayang kumain. Ganito rin ba ang naramdaman ni Elijah ng ipakilala ko siya sa pamilya ko? I wish I could be like him and pretend that Im okay.
We started eating. Elijah help me to put a food on my plate. His parents are smiling pero kinakabahan pa din ako.
"Malapit na ang graduation niyo diba?" Sir Timothy asked.
Elijah put down his utensils and smiled to his father. "Yes dad. Final exam nalang next week."
"How's your study, Kisses?" Sir Timothy asked me.
Tumingin ako sakaniya kahit na kinakabahan. "Okay naman po, sir." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Elijah kaya mula sa ilalim ng lamesa ay sinipa ko ang binti niya.
"Just call me Tito Tim and please loosen up. Hindi ka namin kakainin ng buhay."
Natawa si Elijah kaya nakakunot ang mga kilay ko ng tingnan siya. Agad siyang tumigil sa pagtawa at bigla nalang akong hinalikan sa ulo. Hindi ba siya kinakabahan?! Nagagawa niya pang humalik sakin!
Ma'am Cariza smiled. "Nako, ganyan talaga yan si Elijah. Pagtatawanan ka tapos biglang mag lalambing." Elijah chuckled to her.
"Dad, she's a dean's lister." Elijah revealed to his parents. I bit my lower lip.
"Wow! Good job. You're smart ha, pero bat anak ko ang napili mo?" Natatawang sabi ng Daddy niya.
"Da!" Elijah grunted. "Top student din kaya ako no! Couple goals kami, diba love?"
Nagtawanan ang parents niya at don lang ako nakahinga ng maluwag. Saglit akong natahimik nang marealised ko na pwede palang maging ganito ang isang pamilya? Sabay kakain at magtatawanan sa harap ng mga pagkain.
"Keep it up, Kisses. Sayo din anak. You always make me proud," Tito Tim uttered with sincerity.
Parang natunaw ang puso sa sinabi niya. For the first in time my life I felt so proud to my achievement on school. Nag tanong pa sila tungkol sa akin kaya nagiging komportable na akong kausapin sila.
Ma'am Cariza sighed. "Sayang naman! Ituloy mo yon, susuportahan kita." sabi niya ng ikwento ni Elijah ang tungkol sa pagmomodel ko.
"Hindi ko pa po sigurado e." ngumiti ako.
"Bakit?" takang tanong ni Tito Tim. "Alam mo sa edad mong yan, kahit hindi ka sigurado sa isang bagay piliin mo pa ring gawin. Kahit na pakiramdam mo mali, ituloy mo pa din. Wag ka matakot magkamali at wag kang matakot gawin ang bagay na gusto mo. Mas mahirap mag sisisi kesa matuto sa kamalian."
Napangiti ako sa sinabi niya, gumaan rin ang pakiramdam ko. Hindi maitatanggi na tatay nga talaga siya ni Elijah. Hindi ko rin maitatangi kung bakit maganda mag salita ang anak niya dahil namana ito sakaniya.
"Ang deep diba?" tumingin sakin si Elijah. "Ganyan yan si Dad mag salita, kala mo tatakbong senador." We laughed because of that.
Tapos na kami kumain pero nasa kusina pa rin kami at nag uusap. Maya maya ay tumayo kami dahil nag aya ang daddy niya na umupo sa pool area dahil mahangin raw doon at masarap tumambay.
His right. The ambiance here is relaxing! We settled into the chairs there and talked again. Ganitong pamilya ang pangarap ko e, ganitong pagtrato ng magulang sa anak din ang hanap ko. Sobrang swerte naman ng boyfriend ko dahil mayroon siyang ganito kasayang pamilya. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag ganito ang magulang. Mag kukwentuhan kayo tapos sabay tatawa, tapos bigla rin seseryoso dahil bibigyan ka ng advice. It's fulfilling.
"Alam mo bang ikaw palang ang babaeng dinala niya rito?" Biglang sabi ni Ma'am Cariza sakin. Nasa pool ang mag ama at nakalubog ang mga paa roon.
"Talaga po, ma'am?" Gulat na tanong ko. Sa itsura ni Elijah naisip ko talaga na marami na siyang babaeng nakilala sa buhay niya.
"Anong ma'am? Tita Ca, okay? Tita Ca nalang. Hindi ka na iba samin." Her voice was calming. Parang hinehele niya ako.
"Wala pa po bang nagiging girlfriend si Elijah, tita?" curious na tanong ko.
"Si Elijah ang klase ng tao na, hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya. He will prove himself in any possible way he can." she smiled at me and looked to Elijah. Naguguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ako kumontra.
"Matagal ka na niyang naikukwento samin." pagbunyag niya pa sakin.
"Po?" wala tuloy akong nasabi dahil sa gulat.
"Wala ako sa lugar para mag kwento pero ikaw palang ang nagiging girlfriend niyan."
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...