"Kisses... Please answer my call... Please!"
Nasa labas pa rin ako ng airport at paulit ulit ko siyang tinatawagan. Nag babakasali na baka sagutin niya. Na baka makausap ko siya.
Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan. Ang usapan ako ang aalis pero... bakit siya ang umalis at iniwan ako rito ng wasak. Walang natira sa akin kung hindi ang pag-asa na baka pupwede pa. Baka pwede pang maayos namin ang relasyon naming dalawa.
I gave everything to her. Pagmamahal. Atensyon. Suporta. Pagpapahalaga. Lahat naman binigay ko. Lahat naman ginawa ko para sa kaniya pero bakit parang pakiramdam ko kulang? Ano bang kulang? Bakit... Bakit niya ako nagawang iwan ng ganto.
"Please, pick up your fucking phone!" sigaw ko. Wala akong paki kung marami ng tao ang nakakapansin sa akin.
Napapikit ako kasabay ng pagpatak ng ulan. Wala na ba talaga siya? Iniwan niya na talaga ako? Bakit? Bakit niya nagawa sa akin to?
"Ethan..." halos hindi ko makita ang taong nasa gilid ko nang marinig ko ang boses na yon. Lumalabo ang paningin ko dahil sa pag iyak.
"Bro, let's go." sambit pa niya habang pinapayungan ako. Inangat ko ulit ang cellphone ko para muling tawagan si Kisses. Umaasa pa rin ako na baka this time sagutin na niya.
Tinulak ko pa ng malakas si Archie para layuan ako. Halos hindi ko maramdaman sa balat ko ang malakas na pag buhos ng ulan dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon, umaasa ako na hindi niya magagawa sa akin ito. Nangako siya e, sabi niya hindi niya ako iiwan.
"Paulo!" tuluyan ng nanlambot ang tuhod ko nang marinig ang sigaw na yon. Napaupo ako sa gitna ng ulan habang nakikita ang lalaking naka suot ng Pilot uniform papunta sa pwesto ko.
"Paulo, tara na... Umuwi na tayo." sambit pa ni Daddy, naka-tayo na siya ngayon sa gilid ko, pero kahit na narinig ko siya, hinayaan ko lang ang sarili na umupo roon habang tinitignan ang pangalan ni Kisses sa screen ng phone ko.
"Ethan Paulo!" malakas na sigaw ni Daddy sa akin bago niya kuhain ang phone na hawak ko. Hinagis niya yon sa malayo bago ako hatakin patayo para harapin siya.
"Umuwi na tayo!" sigaw niya sa mukha ko.
"Dad, wait lang please... Babalikan ako ni Kisses, hihintayin ko siya rito." sambit ko. Kumikirot ang dibdib ko at parang hindi ko kakayanin yon.
"I said let's go!" sigaw niya ulit sa akin. Lalo akong umiyak nang makita ang mga mata niyang galit na galit na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
