48

284 8 3
                                    


"Kailan ulit ang flight mo?"






Matining ang boses ni Olive ng tawagan ko siya.







"Itong darating na lunes," sagot ko.







I was excited to go back because I will see my friends again and be with them for a longer time... pero kinakabahan din ako dahil alam kong nakikita na kung saan-saan ang mukha ko. Kinakabahan rin ako dahil baka magkita kami ni Ethan.






Pero hindi naman siya ang babalikan ko roon kaya hindi ko dapat pigilan ang sarili ko. I can manage my emotions well. Matagal na rin naman yon at naka move on naman na siya.





Naka suot lang ako ng black turtleneck, light jeans at tsaka sneakers, habang hatak-hatak ko yung carry-on luggage ko. Maaga pa kami sa flight namin kaya kumain muna kami at uminom ng coffee habang naghihintay. Nang boarding na kami at makita ang seat namin, nagulat  ako dahil nasa business class kami.





Umupo nalang ako pagkalagay ng luggage ko sa compartment at nag suot ng earphones. Matagal-tagal din ang byahe kaya matutulog ako. Buti nalang at business class ang kinuha nila kaya mas komportable ako.





Natulog lang ako sa flight at gumigising lang kapag inaalok ako ng pagkain. Nang mag-land na umayos na ako ng upo at kinuha ang mga gamit ko habang nag hihintay ng go signal ng Captain na pwede ng lumabas.





Nang buksan na ang pinto dire-diretso lang akong lumabas, hatak-hatak ang bagahe ko. Ang dami ko pang pinagdaanan sa airport bago nakalabas sa arrivals area.





"Kisses! Here! Hello! Welcome back! I'm your fan!"






Hindi ko alam kung dapat ko bang pansinin sila Olive at Anya o hindi. Sinuot ko nalang ang shades ko at cap atsaka yumuko. Sisigaw nanaman sana sila at lalapit sa akin ng harangan sila ni Zia.





"Grabe pa-fan sign lang kay Kisses!" sigaw ni Olive kay Zia. Lumapit na ako sakanila at sinabi kay Zia na kakilala ko nga sila.




"Welcome back!" bati nila sakin, "amoy New York!"





Isinama namin sila sa sasakyan na naka-abang samin. Papalapit palang kami mayroon ng mga reporter sa labas ng sasakyan. Lumapit agad sakin si Zia para harangan ako sakanila.





Dumiretso kami sa condo na nirentahan ni Zia para sa amin ni Rye. Malaki ang unit at 3 bedrooms pa. Nakakatuwa dahil halatang may budget na kami sa mga ganito.





"Pasok na muna ako sa kwarto," paalam sa akin ni Rye pagkapasok namin sa loob. Kumaway din siya sa mga kaibigan ko.





Naka-upo ang mga kaibigan ko sa couch at tahimik na pinagmamasdan ako. Parang amazed na amazed sila sa itsura ko.




"Bat ang tahimik niyo? Parang kanina lang ang iingay niyo," pag pansin ko sakanila.





"Grabe! Pang celebrity na yung vibes mo!" sabi agad ni Anya sakin.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon