Chapter 45

28.1K 806 14
                                    

Chapter 45: Battle of the Bands and Brains. (Part I)

Pauline's POV

"AKIN NA SABI!" Sigaw ko for the nth times.

"Ano ba naman kayong dalawa! Kanina pa kayo dyan. Ano ba kasi yang pinag-aagawan niyo?" Tanong ni Abby.

Nandito kami ngayon nila Abby sa Bandroom. Nag prapractice na kasi sila para sa Battle of the Bands, sila Cleofe naman ay nag rereview na para sa Battle of the Brains. Sabay kasing gaganapin yun. Kami naman nila Justine nakatambay lang! Wala naman kasi kaming klase.

"Tsk! Pag ako naka-100 kikiss mo ako." Sabi nung katabi ko. Sino pa ba? Si Justine Ryan Scott lang naman.

"Sige. Pero pag ako naka-10 hindi mo ako ikikiss ha!" Sabi ko naman.

Alam niyo yung pinag-aawayan namin? Flappy bird. Sounds like a kid right?

"Ano ba naman kayong dalawa. Tss! Kayo pinaka-matured sa aming lahat kahit ako yung pinaka-matanda sa inyo! Pero tignan mo naman. Flappy bird lang. Pinag-aawayan niyo!" Sabi ni Abby.

"Hahaha. Diba? Tinangal na yan sa App store?" Tanong ni Jousha.

"Oo. Pero hindi pa ni Justine binura yan e. Trip niya daw yang laro yan." Sabi naman ni Jin.

"May namatay na daw kasi dyan e. Yung ipad binato sa kapatid. Ayun! Basag yung ulo." Sabi naman ni Alex.

"Hindi ko naman gagawin kay Yamo yun! Tss. Mahal ko kaya siya!" Sabi naman ni Justine.

Hahaha. Si Justine kasi ang landi. Yan tuloy! Nahahawa ako!

"Ako din naman e. Mahal na mahal ko kaya yung Yamo ko. Kaya hindi ko ihahagis sa kanya yung Ipad niya diba? Kasi siya mismo ihahagis ko!" Sabi ko.

Natawa naman sila. Tapos si Justine naman ay nag-pout lang! Wahaha. Ang bad ko.

"Hahaha. Nice one Pau-pau." sabi ni Cassandra.

"Ganon pala ha!" Sabi ni Justine. Napatakbo naman ako! Geez. Monster nga pala ito!

"AAAAAAHHHH!" Sigaw ko at nagtatakbo.

Abigail's POV

Parang bata nanaman sila Pauline at Justine. Minsan naiisip ko! Sa aming walo? Sino ba talaga pinakamatured?

"Naiinggit ako bhie. Gusto ko din maghabulan." Isa pa ito. Feeling ko lahat ng kasama ko isip bata.

"Makisali ka sa kanila."

"Gusto ko kasali ka. Sali tayo dali."

"Tumahimik ka dyan. Pagod ako." Sabi ko sa kanya.

"Saan ka napagod ha?" Tanong niya.

"Sige. Sayo ko lahat papagawa ng requirements ha. Ha?"

"Hahaha. Joke lang bhie! Binibiro ka lang e."

"Tignan mo. Tss!"

"Biro nga lang bhie e. Hihi." Sabi nito at niyakap ako sa tagiliran.

"Oy. Jin! Turuan mo nga ako dito." Sigaw naman ni Alex. Nagpapaturo kasi itong mag-gitara kay Jin.

"Pisti ka Alex. Kasali ka sa banda hindi mo alam kung paano mag-gitara."

"Baliw! Kaya ko. Baliw to!" Sabi naman sa kanya ni Alex.

"Kaya mo naman pala e. Bakit nagpapaturo ka pa?" Sigaw naman ni Jin.

"Ano ba naman kayo! Mag-uusap kayo pasigaw. Eh katabi niyo lang naman yung isa't-isa. Nakakaloka." Sabi ni Cassandra.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon