Chapter 39

36.8K 1.1K 92
                                    

Chapter 39: Confession

Pauline's POV

"Eh bakit bawal ka?" Tanong ko kay Cassandra na nasa kabilang linya.

[Eh. Kasi nga po may lakad ako!]

"Ang daya naman eh. Ako lang tuloy walang kasama sa Mall. Tss!"

[Hahaha. Dont worry! Babawe na lang kami.]

"Sige na nga. Babye."

[Oki. Babye!]

Ganon ba talaga mga tao ngayon? May mga love life sa mundo? Bakit ako wala? Nakakainis naman oh. Bumangon na nga ako sa kama. Tss! Balak ko kasing mag-mall. Eh mukhang wala naman akong kasama! Aish. Lahat sila may lakad! Ako wala?

"Apo! Nandito si Justine.."

Eh?

Anong ginagawa nya dito? Omeged! Dali-dali naman akong bumaba. Gosh! Kadiri. Walang hila-hilamos ang peg!

"Good morning. Princess." Bati nya habang nasa hagdan palang ako. Nginitian naman niya ako.

"Ano ba yan baby? Bababa ka nalang kailangan sexy pa." Sabi ni Mommy na kagagaling lang sa kusina. Napatingin naman ako sa suot ko!

WAH! Ngayon ko lang napansin. Nakashort lang ako plus oversized na sando. Kyah! Nakakahiya kay Justine. Yan! Kalandian mo kasi Pau.

Umakyat naman ako agad sa kwarto at naligo. Tss! Kainis.

After 20 minutes..

"Pauline Brix. Ano ba! Ang tagal mo naman."

"Ito na po."

Bumaba na nga ako at pumuntang kusina. Nakita ko naman si Justine at sila Lola and Mom na naka-upo sa dining.

"Halika ka na dito. Kanina ka pa inaantay ni Justine."

"Ah-uh.."

Umupo na nga ako sa tabi ni Justine. Yie! Hahaha. Ang landi!

"Ano nga pala naisip mo Apo at nadalaw ikaw dito?" Sabi ni Lola. Buti na lang wala si Dad at may business trip sa macau.

"Ah.. May lakad po kasi kami ni Pau."

"Oh! May lakad naman pala kayo Nak eh. Bakit gulat na gulat ka kanina ng makita mo si Justine? At hindi mo pa talaga magawang magpalit?"

Huh! Kailan pa kami nagkaroon ng usapan na aalis kami? Parang wala akong alam doon ah!

"Huh? Saan ba tayo pupunta Justine?" Tanong ko dito.

"Ah. Tita! Ipapaalam ko po kasi si Pauline ngayon na kung pwede sumama sa akin sa Antipolo. Mag dadate alam nyo na."

Nasiko ko naman ng dis-oras si Justine. Date daw! Sus. Hehe.. Kenekeleg eke. Pero shh!

"Haha. Sige ba. Basta take care of my daughter ha?" Sabi ni Mom. Nag-nod naman si Justine.

After namin mag breakfast. Umakyat na ako para magpalit. Nag-suot na lang ako ng short skirts with simple shirt na superman samahan nadin ng wedge sneakers. Oha! Fashionista!

Kumuha na lang ako ng ibang gamit like lipstick, powder, wallet and extra mga damit etc.

"Una na po kami Tita."

"Bye Mom." I kissed my Mom on the cheek. Nagmano na din ako kay Lola!

"Okay! Ingat kayo!" Sabi ng Mommy ko.

"Oy! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Justine ng makasakay kami ng kotse nya. Sa shotgun seat ako umupo at sya naman sa driver seat! Malamang siya magdridrive non eh.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon