Chapter 61

22.2K 729 117
                                    

Chapter 61: First love never die...

Justine's POV

Ilang araw na hindi nagtetext si Pauline, simula nung birthday ko. Kasalanan ko din naman kase e. Pero diba nakipagtalo din naman sya saken? Pero nagtataka ako bat di na siya nagpaparamdam saken?

"Oy pre! Lalim niyan ah!" Sabi ni Jin at tinapik pa ako sa balikat.

"Tange! Okay lang ako." Sabi ko naman.

"Halata ngang okay ka!" Sabi naman nito.

"Kinakain ka ng sistema mo pre!" Sabi ko.

"Adik. Hindi no! Tulad mo ko sayo!" Sabi niya naman.

"Oy! Kayong dalawa! Anong petsa na?" Sigaw naman ni Alex.

"Lul. Mukha ba kameng kalendaryo?" Sabi ko dito.

"Pakyu ka. Manahimik ka!" Sigaw naman nito.

"Nagkaroon ka lang ng forever e." Pang-aasar naman ni Jin.

"Lul. Lifetime yun!" Sagot naman ni Alex.

Buti pa sila. Maayos na! Ako kaya? Maayos na kaya ako? Dalawang babaeng mahalaga saken. Yung isa nakaraan na habang ang isa ay nasa kasalukayan. Damn!

"Mukha mo pre ayusin mo! Mas nagiging gwapo ako." Sabi ni Jin.

"Lul! Asa!" Sabi ko naman dito.

"Nako. Halika na at baka magdrama pa yang si Justine." Sabi naman ni Alex.

"Di ako makakasabay, susunduin ko pa si Eunice." Paalam ko sa kanila.

"Tss. Hindi ko alam ba't susunduin mo pa yun. Di ka niya driver." Sabi naman ni Jin.

"Kayo ba ulit?" Tanong ni Joshua.

"Hi-hindi ko alam."

"Oh? Ba't gumagawa ka ng responsibilidad na di mo naman dapat ginagawa." Tanong nito.

"Mabuti sana kung kayo." Sabi naman ni Jin.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo." Sabi ni Jousha.

"Nako, halika na." Aya ni Alex.

Pauline's POV

"Pau-pau? May dala kaming foods sayo."" Sabi ni Abigail at pumasok sa gymnasium.

"Bat di ka pa ba pumasok ng classroom?" Tanong ni Cleofe.

"Hindi ko pa kaya." Sabi ko sa kanila.

"Alam mo? Mas better kung wag muna tayong pumasok ngayon? Para na din di mo makita si anes." - Cassandra.

"Anes?" Tanong ko.

"Oo. Sabi kasi nila, kung ayaw mong banggitin yung pangalan ng taong nanakit sayo. Sabihan mo lang sila ng anes kahit nga gawin mo pang mura yun e." Paliwanag nito.

"Saan mo naman nakuha yan ha? Cassandra?" Tanong ni Abigail.

"Sa mga libro libro lang.. Hahaha! Uso kasi magbasa." Sabi nito.

"Ano naman title?" Tanong ni Cleofe.

"Ayun lang, nakalimutan ko." Sabi ni Cass at nginitian akong hilaw.

"Kahit kelan ka talaga! Hindi na kailangan ni Pauline yan? Bakit? Sino ba pinakawalan ni Justine? Diba? Para na din siyang nawalan ng isang libo no." - Abby.

"Pero sa panahon ngayon, yung ibang tao! Kahit mawalan pa ng isang libo. Hindi nang hihinayang." Sabi ko naman.

"Hugot ka don te? Pero ano kaba! Pinag hihinayangan pa din ang isang libo. Sa panahon kasi ngayon, tao na ang binabaliwala, pera na ang iniingatan." Sabi naman ni Cleofe.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon