Chapter 25: Tambo at Ting-ting.
Cassandra's POV
"Cassandra, Alex! Tawag kayo ni Pauline!" Sabi ni Jousha.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Psh! Sumunod ka na lang. Dami pang tanong 'e." Sabi ni Halimaw.
"Ikaw ba kausap ko?" Sabi ko.
"Hindi."
"Hindi naman pala 'e." Sabi ko at naglakad na.
"Tawag mo daw kami Pau." Sabi ko nang makalapit kay Pauline dito sa kusina. Busy silang dalawa ni Cleofe magasikaso ng pagkain.
"Oo! Maglinis naman kayo ng bahay ni Alex." Sabi niya. Seryoso?
"Bakit naman? Malinis naman ah." Sabi ko.
"Maglinis na kayo! Tch."
"Sa bahay nga hindi ako naglilinis dito pa kaya." Sabi ko.
"Tch! Umaangal pa. Imbis na nakakatulong ka, umaarte ka pa." Singit nanaman nung Halimaw.
"I don't need your opinion Halimaw!" Sabi ko at umirap.
"Maldita!" Sabi nya.
"Halimaw!" Sabi ko.
"Atleast gwapo." Sabi nya.
"Mandiri ka nga! Ikaw gwapo? Halimaw ka nga." Sabi ko.
"Bakit may Halimaw naman na gwapo ah! Arte mo." Sabi nya.
"Hindi ako maarte." Sabi ko.
"Maldita lang."
"Maganda naman." Sagot ko.
"Saan banda?" Tanong nya.
"Sa mukha. Saan mo pa ba gusto?"
"Aish! Manahimik na nga kayo!" Sabi ni Pauline.
"Maglilinis na nga ako. Hmp!" Sabi ko.
Pumunta naman ako sa storage room para kunin yung walis tambo.
"Hoy!"
"Ay! Kalabaw!" Sigaw ko.
Halos nyerbosin ako sa gulat. Tinignan ko naman kung sino 'yon.. Lintek na Alex talaga oh!
"Wala ka talaga magawa sa buhay mo." Sabi ko sa kanya.
"Wala." Sabi nya.
"Pwes. Wa'g ako guluhin mo!" Sabi ko 'tsaka siya tinulak palabas.
"Maldita!" Sigaw nya.
"Mamaw!" Sigaw ko.
Pumunta naman ako sa sala at magwawalis na sana.. Putek! Tingting?
Alexander's POV
Tch! Sungit talaga nung Cassandra na 'yon. Hindi ko na nga inaasar e. Hmp! Bahala siya dyan.
"Oh, Alex! Saan ka pupunta?" Tanong ni Justine.
"Sa garden. Mag lilinis." Sabi ko.
"Ah, sige." Sabi nya.
Lumabas naman ako. Magwawalis na sana ako kaya lang nakalimutan ko tambo pala yung hawak ko. Naman!
Cassandra's POV
Si Alex ay nasa garden pa din. Pero hirap na hirap na magwalis sa damuhan gamit ang walis tambo. Sige nga! Magwalis ka sa damuhan gamit tambo. Aba't ayos yun!
Habang ako naman ay nagwawalis sa sala na hindi komportable sa tingting! Tch. Subukan mo kayang magwalis sa sala tapos tiles pa gamitin mo tingting. Tignan natin kung matapos ka.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...