Chapter 63: Suck Graduation
Abigail's POV
Ito na nga graduation day na. Pero parang hindi maganda ang araw na ito. Hays! Hindi ko alam e. Feeling ko may mangyayare na hindi maganda. Wag naman sana.
"Ano ba Abby! Nagugulo ang make-up mo dahil dyan sa mukha mo. Wag ka nga sumimangot." Sabi ni Mama.
Umuwi talaga siya para sa graduation ko. Thankful nga ako e. Nandyan si naman si Jin laking pasasalamat ko at hindi nya ako iniiwan. Oha?
"Hello by. Hi Tita." Bati nung kumag na dumating.
"Ang aga mo naman ata Jin." Sabi ni Mama sa kanya.
"Excited na po kase ako makita anak niyo e. Diba abby?" Sabay tingin sa gawi ko, inirapan ko naman siya.
"Alam mo? Hindi ako mag sasawa dyan sa pagiging maldita mo." Sabi nito.
"Asus, kunware pa 'tong bruhang 'to. Kinikilig din naman." Sabi ni Mama.
"Wag kang ano dyan Ma!" Sabi ko dito.
"Hahahahaha. Wag ka nga dyan Arianne. Nang-aano ka e' no." Sabat naman ng Tatay ko.
"Hi Tito." Bati nitong si Jin.
"Nako. Maiwan na namin kayo dyan." Sabi ni Mommy.
"Bhie. Ang ganda mo ngayon." Sabi nitong Kumag na 'to.
"Matagal na. Araw-araw naman e." Sagot ko dito.
"Kapal mo! Ngayon lang uy." Sabi nito.
"Che!" Sagot ko naman.
"Ano. Tara na? Hinihintay na tayo nila Justine don." Sabi nito.
"Tara na. Gusto ko na makita sila Pauline." Sagot ko.
Nag paalam na nga ako sa mga magulang ko, susunod na lang daw sila sa Venue. Nang makarating kami sa school, nakita naman namin sila Alex at Cassandra agad. Alex is super cute wearing eye glasses while my Cassandra is so pretty to her dress.
"Wala pa yung dalawa?" Tanong ko.
"On the way na daw si Cleofe, si Pau? Hindi ko alam e." Sabi ni Cassadra. Mukha naman itong nag-aalala kay Pauline. Kahit naman ako e.
"Si Justine?" Tanong ni Jin.
"Nako! Wag niyong ipapakita sa akin yan ah!" Sabi ko sa kanila.
"Hindi makaka-graduate yang hayop na yan!" Sabi naman ni Cassy.
"Chill, kayo naman! Oo na. Tsk!" Sabi ni Alex.
"Tara na nga sa Lobby." Aya ni Cassy. Sumunod naman kami sa kanya.
Pagka-pasok namin sa Auditorium. Umupo naman kami, after 30 minutes ay mag sisimula na ang graduation. Hays! Asan na kaya yung tatlo na yun?
"Oh! Ayan na pala si Jousha e." Sabi ni Alex at nag man to man sila ni Jousha.
"Wala pa si Cleo?" Tanong nito.
"Di ba kayo magkasama?" Tanong ni Cassy.
"May nakita ka?" Tanong ni Jousha.
"Che." - Cassy.
Umupo naman sa tabi namin si Jousha. Asan na kaya si Cleofe at Pauline.
"Mag kasama daw sila Cleo at Pau. Pinilit daw kasi ni Cleo na pumunta si Pau dito sa graduation. Ayaw ata grumaduate non e." - Cassy.
"Hays. Kahit kelan yang si Pauline Brix!" Sabi ko naman.
Tumunog naman na yung graduation ceremony, tumayo naman lahat kami. Maya-maya ay bigla ng nag-ingay. Napatingin naman kami sa pintuan. Nandon si Pauline, Cleofe, Justine at Eunice. Halos mahulog ang panga ko! Ang ganda ni Pauline ngayon. Her white dress really fits to her. She lookns gorgeous today.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...